Catriona Gray

Pinatunayang may class, Catriona chill lang sa tirada ni Mariel!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Mabuti naman at natapos na ang mga usapan tungkol kina Mariel de Leon at Catriona Gray. Tumagal din ng ilang araw ang tungayawan ng fans nina Catriona at ni Mariel mismo sa social media. Nagsimula lang iyan sa isang comment ni Mariel na kung saan sinabi niyang ang sagot ni Catriona sa tanong sa kanya ay mukhang “scripted”.

Natapos ang lahat nang mismong si Catriona ang nagsabing okay lang sa kanya ang mga ganoong opinion lalo na kung manggagaling sa mga nauna sa kanila. Sinabi niyang palagay niya nakakatulong iyon dahil mula sa mga ganoong pamumuna ay nakakakuha siya ng pointers para mas magawa ang mabuti.

Mapapansin mo na maganda ang ugali niyang si Catriona. Kung naiba-iba siya, hahayaan niyang ma-bash si Mariel ng kanyang mga fans, na hindi naman lalabas na siya ang pumatol. Hahayaan pa iyon at baka sabihin pang magdusa ka, madaldal ka eh. Pero sa halip na ganoon, pinayapa niya ang kanyang fans at sinabihang hindi naman dahilan ang mga ganoong maliliit na bagay para mam-bash sila ng ibang tao.

Iyan namang si Mariel, palagay namin kailangang matuto sa kanyang buhay. Noon pa lamang kandidata siya at manalong Binibining Pilipinas Miss World, marami na rin siyang nasabi na naging dahilan para siya ma-bash. Siguro nga natural lang sa kanya ang pagiging outspoken, pero malaki kasi ang kaibahan noong ikaw ay isang karaniwang tao lamang na puwede mong sabhihin lahat ng gusto mo, kaysa doon sa ikaw ay naging isa nang title holder.

Iyon ang naging dahilan noong una kaya hindi niya nakuha ang malakas na public support, dahil nakapagbigay siya ng unpopular opinion. Ngayon mag-aartista pa siya, naka dapat maging maingat na siya.

Dapat siguro matuto naman siyang isipin muna ang ibubunga ng anumang sasabihin niya. Sanay sa showbusiness ang mga magulang niya, at alam ng mga iyon kung ano ang tama. Sana makinig siya.

Bugoy at dyowang volleyball player iniba ang kuwento ng pagbubuntis!

Noon pa namin narinig ang mga tsismis na nakabuntis ang dating child actor na si Bugoy Cariño. Pero nakiusap ang nagkuwento sa amin na huwag na raw isulat dahil kawawa naman siya dahil naalis na nga siya sa grupong Hashtags.

Pero ngayon mas lumubha nga ang mga usapan tungkol doon, at lumalabas na kawawa rin siya dahil ayaw talaga siyang tantanan sa kabila ng kanyang mga paliwanag na hindi totoo iyon. Pero kung kawawa si Bugoy, mas kawawa naman ang kanyang girlfriend, si EJ Laure na isang superstar din sa varsity volleyball dahil biglang hindi raw buntis ito at may injury lang kaya kailangang mamahinga.

Hintayin na lang natin may makakita kay EJ na malaki ang tiyan niya.

Aktor na rumaraket sa networking tuloy ang pagpapahada

Mukhang hindi totoong malaki ang kinikita sa networking. Ang tsismis kasi, iyon daw isang personality na nagyayabang ng magagarang kotse at malalaking kita sa networking ay “suma-sideline” pa rin, in other words nagpapahada pa rin.

Pero siyempre lihim iyon sa kanyang asawa na kasama rin niya sa networking. Mukhang kailangan niyang pagsabayin ang networking at “sideline” para sa mas malaking kita.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with