Gretchen Barretto

Claudine nag-react sa bagong show ni Gretchen!
Jun Lalin (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Ang tsikang magkakaroon daw ng online talk show ang tinaguriang semi-retired actress na si Gretchen Barretto.

Ang Viva raw ni Boss Vic del Rosario ang magpoprodyus ng online talk show na ‘yon.

Sabi ng source namin, on-going na raw ang negotiation ng Viva kay Gretchen at mukhang matutuloy daw ang project.

In all fairness, bagay kay Gretchen na magkaroon ng online talk show lalo na kung ang mga pag-uusapan doon ay ang mga issue sa kanya, ‘noh?!

Habang sinusulat namin ang item na ito ay nasa Belo event kami at nakita namin si Claudine Barretto at biniro namin na ang item na tinitipa namin ay tungkol sa online talk show ng kanyang ate.

In all fairness, maganda ang reaction ni Claudine tungkol doon, huh!

O, ayan, Gretchen, dapat matuwa ka sa tsikang ito, ‘noh?!

Jeron Teng komportable na sa paghuhubad

Ang topless picture ni Jeron Teng sa kanyang Instagram account (@jeronalvinteng).

Kuha sa isang beach resort sa La Union ang topless picture na ‘yon ni Jeron. Nagbakasyon siya roon kasama ang girlfriend na si Jeanine Tsoi dahil break muna sila sa practice ng Alaska Aces, ang kanyang PBA team.

Mahilig sa beach si Jeron, kaya naman kapag may free day, madalas niyang dalhin si Jeanine sa mga ganoong lugar.

Mas comfortable na si Jeron na mag-post ng kanyang topless picture dahil nasa PBA na nga naman siya.

Nang mag-beach sina Jeron at Jeanine, nag-out of town swimming din si Jeric Teng somewhere in Laguna. Friends ang kasama ni Jeric dahil wala siyang girlfriend ngayon.

 Yassi may ibubuga sa acting, Sam puro papogi lang?!

Kung si Yassi Pressman ay napupuri sa pelikulang Ang Pambansang Third Wheel dahil magaling nga siyang umarte, ang leading man naman niya na si Sam Milby ay sinasabing walang bago sa akting.

May nagkomento nga na iisa lang ang facial reaction ni Sam. Pero sabi naman ng iba, malakas pa rin daw ang karisma ni Sam at guwapo talaga.

Anyway, sana ay magkaroon ng pelikula si Sam na lalabas talaga ang husay niya sa pag-arte! ‘Yung may bago naman siyang ipapakita, huh!

Aktres inaayawan ng pamilya ng BF dahil sa pagiging kontrobersyal!

Naku, may tsikang hindi raw tanggap ng pamilya ng kanyang boyfriend ang isang aktres, huh! Hindi naman daw issue sa pamilya ng boyfriend ng akres na hindi naman gaanong mayaman si aktres, ang ayaw raw nila ay ‘yung masyadong naging controversial ang hiwalayan ni aktres at ng ex-boyfriend nitong hunk actor.

Ayaw ng pamilya ng lalaki na baka kung walang mangyari sa relasyon ng kanilang kapamilya kay aktres ay maging controversial din ‘yon.

Well…

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with