Aiza Seguerra

Aiza tututukan na ulit ang pagkanta!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Nagbitiw na nga si Aiza Seguerra bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC). Inanunsyo ito ng singer kahapon sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Ice (Aiza) noong March 5 pa raw siya personal na nagsumite ng kanyang resignation kay Presidente Rodrigo Duterte mismo.

“I met with our dear President last March 5th to tender my resignation as NYC Chairperson. I coordinated with his office because I wanted to personally tell him my reason. Knowing how social media can exaggerate or twist the truth, I wanted to make sure that he’s going to hear it from me.

“He was very understanding and supportive of my decision. Para siyang tatay. Nakinig, inintindi at pinalakas ang loob ko. I told him how much I valued his trust and how this experience made me appreciate public service and our public servants,” ang bahagi ng post ni Ice.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga kasamahan niya sa NYC at sa lahat ng nakatrabaho, pati na rin sa kabataang Pilipino.

“Sa pagkakataong ito, gusto ko magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga kasamahan ko sa komisyon, sa OCS, at sa lahat ng mga ahensiyang nakatrabaho ko for the past year and half.

“Thank you for believing in me and for making my chairmanship, as short as it may have been, one of the most unforgettable experiences of my life.

“Sa kabataang Pilipino, napakarami kong natutunan sa inyo. Kayo ang puso ng lipunan and you must be heard. In this very divisive society, I hope you will lead the country in finding commonalities that will bring us all together. Be kind, always.

“Maraming salamat po sa inyong lahat,” saad ni Ice.

We heard na sa April 5 magte-take effect ang resignation ni Ice at magko-concentrate na lang daw ito sa singing career.

Tony ayaw mag-commit kay Liza

Hindi pa makumpirma ni Tony Labrusca kung siya ba ang magiging leading man ni Liza Soberano sa pelikulang Darna na siyang kalat na kalat na ngayon. Aniya nang makausap ng entertainment press sa media launch ng bagong Star Magic Circle 2018 ay wala pa raw talaga siyang maibibigay na kumpirmasyon tungkol dito.

When asked kung may offer ba, hindi rin ito masagot ng newbie actor.

“Hindi kasi, for me, anything can be changed. So, even if people are saying that I’m part of Darna. . .it’s just like my experience with La Luna (Sangre), I mean, people said that I was gonna be a part of it, but then, until you sign that contract, you never know, you know what I mean? So I can’t claim to be part of the movie if I haven’t started,” sabi ni Tony.

Of course, if true na magiging leading man siya ni Liza, aniya ay he’d be so grateful.

Ready ba siya na pwede siyang ma-bash ng LizQuen fans kapag siya ang naging leading man ni Liza?

“I think, after I survived KathNiel bashing, I think I’ll survive LizQuen bashing,” natatawa niyang sabi.

Matatandaang naging part din kasi ng La Luna Sangre si Tony bilang Jake Arguelles na kababata ni Malia (Kathryn Bernardo) at talaga namang pinag-usapan ang kanyang pagka-hot sa nasabing serye.

Isa si Tony sa 13 new faces of Star Magic Circle 2018 na ini-launch last Sunday along with Donny Pangilinan, Leila Alcasid, Anna Luna, Chantal Videla, Karl Gabriel, Zonia Mejia, Yasmyne Suarez, Henz Villaraiz, Daniella Stranner, Patty Mendoza, Markus Paterson at Charlie Dizon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with