Davao City Mayor Sara Duterte

Mayor Sara at Gov. Imee magbabanggaan sa senado
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Walang kinalaman sa showbiz ang balita na natisod ko pero exciting ang isyu na kakandidato na mga senador sa 2019 si Davao City Mayor Sara Duterte at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Kung true ang tsismis na nakarating sa akin, magiging makulay at masaya ang eleksyon sa susunod na taon at malaki ang tsansa na parehong mag-win sina Sara at Mama Imee.

Parehong matalino, palaban at may puso para sa mga mahihirap sina Sara at Mama Imee. Ang mga katulad nila ang dapat na iniluluklok sa puwesto, hindi ang mga trapo na may mga personal na interes pero nagpapanggap na para sa bayan ang pagkandidato nila.

Tommy inspiring ang kwento bago naging fit

Official candidate sa Century Tuna Superbods Ageless 2018 si Tommy Tiangco, ang anak ni Congressman Toby Tiangco ng Navotas.

Sa mga male candidate, pinakamaingay ang name ni Tommy dahil sa suporta na natatanggap nito mula sa kanyang fans at mga kaibigan ng mga magulang niya.

Parang winner na nga si Tommy sa article tungkol sa kanya na nabasa ko kahapon sa The Philippine Star, kahit sa susunod na buwan pa ang grand finals ng contest na sinalihan niya.

Inspiring ang kuwento ni Tommy dahil chubby ito noong bagets pa at ngayon, katulad na rin siya ni Raymond Gutierrez na fit inspiration ng mga nawawalan ng hope na pumayat.

Mga kilala at matitindi ang mga kalaban ni Tommy sa Century Tuna Superbods Ageless pero sure ako na bibigyan niya ng magandang laban ang kanyang mga kakumpitensya.

Juliana, Andre, Kobe, at Ysabel ang lakas maka-throwback

Nasubaybayan ko ang paglaki nina Juliana Gomez, Andre Paras, Kobe Paras, at Ysabel Ortega kaya ramdam na ramdam ko ang pagiging senior citizen dahil mga binata at dalaga na sila.

Sa tuwing nakikita ko si Juliana, ang kanyang tatay na si Richard Gomez noong patpatin pa ito at karay-karay ni Douglas Quijano ang naaalaala ko.

Hindi pa hunk at matinee idol noon si Richard na palaging kasama ni Douglas sa mga lakad namin.

Nang makita ko si Ysabel, na-remember ko ang first birthday niya sa isang malaking hotel na lihim na lihim dahil ayaw pa ipaalam ni Lito Lapid sa publiko na may anak na sila ni Michelle Ortega.

Kapag nakikita ko sina Andre at Kobe Paras, ang maliliit na bata na sinusundo ni Benjie Paras sa school ang pumapasok sa isip ko.

Ilang taon pa mula ngayon, sina Zia Dantes at Scarlet Snow Belo ang makikita natin na mga dalaga na dahil ang bilis-bilis nila na lumaki.

Usually, may soft spot sa atin ang mga bata na na-witness natin ang paglaki dahil para na rin natin silang mga anak.

We feel proud sa achievements nila, we feel sad pag may mga malungkot na pangyayari sa buhay nila, we feel for them like our own.

Sila ang best proof kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila, sila rin ang mga pruweba na lumaki at nagkaisip sila sa showbiz.

Maituturing sila na mga living trophy natin, patunay na kahit anong sabihin, showbiz is a healthy place for a child na properly guided ng parents nila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with