President Rodrigo Duterte

Aiza humarap kay Digong nang magbitiw sa NYC!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Confirmed! Nag-resign na si Aiza Seguerra kahapon bilang Chairperson ng National Youth Commission effective April 5, 2018. Personal reasons ang dahilan ni Aiza sa pagbibitiw sa posisyon nu’ng makausap nang personal si President Digong Duterte last March 5.

Solid supporter si Aiza ni President Digong nung tumakbo siya bilang presidente. August 2016 nang siya ay i-appoint bilang NYC Chair na hanggang 2019 sana kung hindi siya nag-resign.

Wala pang reaksyon ang partner niyang si Liza Diño sa resignation ni Aiza as of presstime. Si Diño ang kasalukuyang Chairman  & CEO ng Film Development Council of the Philippines.

Camille kinilig sa ginawa ni Jodi

Inilantad ni Camille Prats ang screen shot ng text sa kanya ni Jodi Sta. Maria na bumati sa pagkakaroon nito ng bagong show kahit na nga magkatapat ang time slot ng mga show nila sa umaga.

“Cams! Congratulations on your new show! May God bless you and everyone. Huugs! Miss you!” text ni Jodi.

Tugon ni Camile, “Ate Joedz! Kinilig ako! Thank you!!! Miss you and hoping to bump into you soon! It’s been so long!”

Nagsimula nu’ng Lunes ang rom-com series ni Camille na Ang Forever Ko’y Ikaw kapareha si Neil Ryan Sese.

Caption naman ng Kapuso artist sa IG, “Best part of my day! Sobrang kinilig ako! Thank you te @jodistamaria. Our shows are airing on the same time slot and yet so much love for each other. Spreading love and positivity all round!”

Guy and Pip bubuhayin sa Mahal Na Araw

Napasabak si Ryzza Mae Dizon sa dramahan kaharap si Nora Aunor sa Eat Bulaga  Lenten episode nilang A Daughter’s Love.

Sa pahayag ni Ate Guy sa TV plug ng episode, tinanggap niya ang EB Holy Week drama dahil pangarap na rin niyang makasama si Ryzza Mae sa drama.

Sa episode naman ni Alden Richards, si Tirso Cruz III ang makakabangga niya sa eksenang nakakaiyak.

Imagine, kahit magkahiwalay ng episode, buhay na buhay sa Holy Week sina Guy and Pip, huh!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with