KC Concepcion
KC alahera na!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Alahera na rin si KC Concepcion.

Alahas ang kanyang bagong negosyo na mino-model niya sa kanyang social media accounts.

Fine jewelry ang description niya kaya tiyak na hindi ito mumurahin.

#AvecMoibyKristina ang pangalan ng kanyang negosyo.

Angelica Panganiban at Carlo Aquino

Umeeksena sa social media, Angelica at Carlo may nilulutong pagkakakitaan

Use me in a sentence na naman ni Angelica Panganiban ang kanyang mga social media account.

Kahapon ay aligaga siya sa pag-a-upload ng photo nila ng ex niyang Carlo Aquino sa Australia. At ang kanyang hashtag, “ExKami.”

Sure ‘yan na meron silang nilulutong project kaya ganun.

Maaalalang marami siyang naging hugot kamakailan. ‘Yun pala ay may libro siyang ie-endorse at gagamitin ang mga hanash niya.

Freddie Aguilar

Anak ni Freddie kinilala sa senado after 40 years

Pinarangalan sa senado si Freddie Aguilar kahapon sa kanyang lifetime contribution sa arts and culture. Ito ay matapos aprubahan ang Senate Resolution No. 658 ni Sen. Tito Sotto.

Ito ay para sa kanyang kantang Anak na sumikat sa maraming bansa at nagkaroon ng iba’t ibang language translation.

At 40 years na pala ng nasabing kanta na ngayon ay patok pa rin sa mga sing-along.

Nakakahinayang lang na naabo ang mga memorabilia niya para sa nasabing kanta nang masunog ang nirerentahan n­iyang bahay sa Fairview kamakailan lang.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest