Young actress atat iladlad ang pagiging tomboy!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 14, 2018 - 12:00am

Kaya pala walang nagwo-work na loveteam

Gaano katotoo na gustong mag-“come out of the closet” ang isang young actress?

Oo at isang lesbian pala ang young actress na ito at may tinatago raw itong secret non-showbiz girlfriend.

Ang problema lang sa balak ng young actress ay ang mga taong nagpapatakbo ng kanyang career. Marami raw ang mawawala sa young actress kapag umamin ito, lalo pa’t may mga napirmahan na raw itong mga kontrata sa mga endorsement nito.

Hindi naman daw nila gustong pigilan ang gusto ng young actress, pero bigyan pa raw niya muna ng pagkakataon ang career niyang mas lumaki pa siya para naman daw hindi sayang ang efforts nila.

Right timing lang daw ang kailangan para sa pag-come out niya. Huwag lang daw ngayon dahil nire-repackage ang image niya para mga projects na gagawin niya.

Kapag maayos na raw at established na siya’t nakapag-ipon na ng malaki, doon na siya umamin na lesbian siya.

No wonder walang mag-work sa mga pina-partner sa young actress dahil iba pala ang type nito and they are not boys!

Pinoy designer sabit sa tagumpay ng Black Panther

Dahil sa pagtawid ng Marvel movie na Black Panther sa $1 billion mark sa worldwide box-office, kabilang sa success ng movie ay ang mahusay na costume design na Pinoy ang gumawa.

Ang Filipino-American na si Rodney Fuentebella ang nag-design ng mga the costumes nila Michael B. Jordan as Erik Killmonger; Chadwick Boseman as King T’Chaka at Andy Serkis as Ulysses Klaue.

Kasama ni Rodney sa kanyang team ang isa ring Pinoy na si Anthony Francisco na nag-design naman ng mga costumes ng warrior women ni Dora Milaje na pinamunuan ni Danai Gurira as Okaye.

Iba talaga ang talent ng mga Pinoy kaya naman nape-penetrate na nila ang magtrabaho para sa malalaking film studios ng Hollywood tulad ng Marvel Studio.

Pinanganak si Rodney Fuentebella sa Pilipinas pero lumaki na ito sa San Francisco, California. Nakapag-create na siya ng key-art illustrations and character designs para sa ibang Marvel projects tulad sa Iron Man 3, Guardians of the Galaxy and The Avengers: Age of Ultron.

Si Anthony Francisco naman ay pinanganak sa Quezon City at lumipat at tumira sa Los Angeles noong teenager siya. Nakapag-aral na siya ng Architecture and Fine Arts sa University of Santo Tomas.

Si Anthony ang nag-design kay Baby Groot sa Guardians of the Galaxy at kay Loki sa ikatlong Thor movie.

May-ari ng nba team na Dallas Mavericks sunud-sunod ang alegasyon sa pangmamanyak

Marami na ang lumalabas para patotohanan ang ginawang sexual misconduct ng Dallas Mavericks owner at judge ng show na Shark Tanks na si Mark Cuban.

Nagsalita na ang lady employee ng isang Oregon nightclub na Barrel Room na noong 2011 ay nakaranas siya ng sexual assault mula kay Cuban. Dahil sa sobrang kalasingan daw nito, lahat ng mga babae sa club ay pinaghihipuan niya.

Pinatotohanan ng isa pang worker ng Barrel Room na si Christopher White ang sinabi ng co-employee niya sa naging behavior ni Cuban noong 2011.

Nakita niya si Cuban at ang mga kasamahan nito na binabastos ang isang babae sa club. Tapos ay may kumukuha pa raw ng picture nila.

Sobrang na-upset daw ang binastos nilang babae at nagsisisigaw ito. Dumating daw ang security para palabasin na si Cuban at ang mga kasamahan nito.

Sobrang lasing na raw ni Cuban at hindi na siya sine-serve ng alak kahit na humihingi pa ito. Noong palabas daw, hinipuan pa raw niya ang mga babaeng nadadaanan niya palabas ng pintuan.

Ayon pa sa babaeng na-assault ni Cuban, na-penetrate daw nito ang kanyang vagina gamit ang kanyang daliri na pinasok niya sa likod ng jeans nito.

Wala pa raw nagpa-file ng charges kay Cuban dahil sa lack of evidence, pero tuloy ang imbestigasyon ng Portland police sa naganap noong 2011.

Samantalang ang NBA ay naglabas ng statement na ire-review nila ang allegations na ito kay Cuban dahil kung napatotohanan ito, magiging hostile environment for women ang Mavericks organization.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with