Gabby Concepcion

Ano ba talaga, Gabby ‘sumisipsip’ na naman kay Sharon
Jun Lalin (Pang-masa) - March 13, 2018 - 12:00am

Galing pala ng Davao City si Gabby Concepcion at may nakapagtsika sa amin na bumili siya ng mga suha.

Pasalubong daw ang mga suha na ‘yon and guess kung para kanino?

Yes, magre-rejoice ang Sharon-Gabby fans dahil para sa ex-wife niyang si Sharon Cuneta ang mga suhang ‘yon.

Kahit kasi “paiba-iba” ang mga balita tungkol sa mag-ex, mukhang kahit paano naman ay okey silang dalawa.

Anyway, may isa kaming tinanong kung ano na ang update tungkol sa reunion movie nila na prinopose ni Gabby sa kaibigan niyang si Representative Albee Beni­tez na i-produce under Palm Asia production company ng businessman/politician.

Under nogotiation pa rin daw ang lahat.

Hindi lang daw si Sharon ang hindi pa nag-yes sa nasabing project, kahit naman daw si Rep. Albee ay hindi pa sure na sure na ipo-produce na ang reunion movie ng Gabby-Sharon team-up.

So, as of now, malabo pa raw talaga ang reunion movie na ‘yon, huh!

Bailey babu na, Ylona nahanapan ng bagong ka-loveteam

Buwag na nga ang BaiLona loveteam nina Bailey May at Ylona Garcia!

Siyempre nga naman, ang international pop group Now United na ang priority ni Bailey at sa Los Angeles, California na siya based, kaya wala na rin namang kuwenta kung imimaintain pa ng ABS-CBN ang loveteam ng dalawa, ‘noh.

So, humanap na ang mga taga-Dos ng ka-loveteam for Ylona at napili nga nila si Henz Villaraiz para maging kapareha ng young actress.

Kasama si Henz sa mga ni-launch noong Sunday bilang parte ng 2018 Star Magic Circle at magkasama na sila ni Ylona sa morning series ng Kapamilya network, ang Sana Dalawa Ang Puso.

Mukhang ngayon pa nga lang ay sobrang close na si Ylona kay Henz dahil noong Sunday, nakita namin sila sa ABS-CBN compound na magkasama.

Biro namin kay Ylona, mukhang hinintay niyang matapos ang press launch ng 2018 Star Ma­gic Circle para magkasama sila ni Henz, pero depensa niya, nagkataon lang daw talaga na nagkita sila roon.        

“After ASAP po kasi, may audition po akong ginawa, then nagkayayaan na mag-coffe, then pumasok din po siya sa loob at galing nga raw ng presscon. Hindi ko naman po siya hinintay. Nagkataon lang,” ang nagba-blush na tsika ni Ylona na medyo umitim dahil kagagaling lang daw niya ng Boracay.

Si Henz naman, mukhang malayo ang mararating sa showbiz dahil in fairness to him, kahit newbie pa lang na maituturing, aba, ang ganda na ng PR!

Actually, sila nga ang unang bumati sa amin ng editor ko na si Salve Asis nang madaanan nila kami sa labas ng coffee shop na pinanggalingan nila.

May kilig factor nga pala sina Ylona at Henz, kaya sa tingin namin, matatanggap ng fans ang new loveteam nila!

Anak ni Ruffa endorser na agad ng make up

Hindi man pinapayagan ni Ruffa Gutierrez na mag-artista ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas, papayagan naman niyang maging product endorsers ang mga ito.

Next week nga ay nakatakdang mag-pictorial si Lorin para sa make-up endorsement niya.

At 14 (she’s turning 15 sa August), nagme-make-up na si Lorin, kaya naman bagay sa kanya ang make-up endorsement na gagawin.

Teka! Ngayong mukhang magtutuluy-tuloy na ang pagiging semi-celebrity ni Lorin, hindi kaya maging stage mother na rin si Ruffa at talbugan pa niya ang nanay niyang si Annabelle Rama?

Ang sigurado nga pala ay tututukan ni Bisaya ang pictorial ng kanyang apo dahil hindi naman lihim na sobrang favorite niya si Lorin dahil ito nga ang first apo niya!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with