Kris Aquino
Kris na-highblood nang atakihin ng allergy!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 13, 2018 - 12:00am

Magpapatingin na sa espesyalista

Nagkasakit na naman pala si Kris Aquino kamakailan. Tumaas daw ang BP (blood pressure) niya at namaga ang kanyang mga mata.

Nangyari raw ito a night before the shoot of her Ariel’s new advocacy ad. Ipinost niya ang video ng naturang shoot at sa caption ay ikinuwento nga niya ang pinag­daanang sakit.

“I may now post the behind the scenes video of the #AhonPinay #Arielcampaign... Now i can share w/ you- how much my team & i prayed that i’d be healthy enough to push through w/ this shoot.

“The night before i had a bad allergic attack (my allergy to shellfish has come back w/ a vengeance), my body was valiantly fighting-BP went up to 160/100, eyes were swollen (yung parang nakagat ng ipis level), nose was swollen, lips also swollen & a bad rash all over my neck & face,” ang bahagi ng caption ni Kris.

Ayaw daw sana siyang papuntahin sa shoot ng kanyang doktor pero alam niyang naka-set-up na ang lahat.

“My doctor didn’t want to give me clearance to do the shoot for fear that since allergy was from the neck up my throat could become constricted ­– but i knew what a big setup there was. I was given antihistamine shots, slept, and we requested a later call time,” kwento pa ni Kris.

Sa Holy Week ay nakatakda raw siyang magpa-check-up sa espesyalista para malaman kung saan nanggagaling ang allergy.

“We are being proactive about my health, i’m going to have another comprehensive checkup w/ specialists this Holy Week- we solved all my BP issues but we now have to find all my allergy triggers. #wellnessjourney,” sey pa ni Kris.

Pia hindi pa sigurado kay Marlon

Parehong may kanya-kanyang special someone sa kasalukuyan ang magkapareha sa pelikulang My Perfect You na sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach pero when asked kung natagpuan na ba nila talaga ang kanilang “perfect partner,” sey nila pareho ay hindi pa raw nila ito masasagot sa ngayon.

“Hindi ko pa po masasabi ‘yun dahil marami pa po akong gustong gawin at gustong ma-experience,” sey ni Pia.

“And with regards to my personal relationship with him (Marlon Stockinger), maaga pa rin naman para sabihin ko na ‘yun na ‘yung ‘my perfect you’ pero sana. I think, sa lahat naman, parang sana ‘yun na talaga yun pero I won’t be able to really say that until I get married. So I hope so.”

Ayon naman kay Gerald, it’s still a journey for him dahil tulad ni Pia ay marami pa siyang gustong gawin.

“Bilang lalaki rin, ang dami ko pang goals, ang dami ko pang kailangan pang gawin, medyo provider pa rin ako, so may mga ibang priorities pa.

“Ayokong maging selfish din sa tao na. . .so as a person, wala pa ako sa ganun’g state of mind, wala pa ako sa ganun’g pag-iisip pero sana, sana. That’s what we hope for. Pero ano pa siya, journey pa siya,” sabi ni Gerald.     

Of course, alam naman natin na si Bea Alonzo ang nali-link kay Gerald ngayon at si Pia naman ay si Marlon Stockinger ang boyfriend.

Natanong din ang dalawa kung manonood ba ang kani-kanilang perfect partner sa premiere night ng My Perfect You at ayon sa kanila ay hindi raw. “Busy siya,” sabi ni Pia, “pero manonood din siya sa ibang araw.”

How about Bea? Sagot ni Gerald, “hindi. Kasi siyempre, you know, gusto nating mag-focus sa cast.”

Showing na ngayong March 14 ang My Perfect You mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Kasama rin sa movie sina Wilma Doesnt and Janus del Prado.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with