KC Concepcion at Aly Borromeo
KC pumiyok na sa nangyari sa relasyon nila ni Aly
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - March 9, 2018 - 12:00am

Move on at abala sa pag-spread ng wings

Wala na nga sina KC Concepcion at football player na si Aly Borromeo. Ito ay kung pagbabasehan ang IG post ni KC kahapon ng hapon.

Suportado pa raw niya ang football player pero nagmu-move on na siya. “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then.   
“Timing is everything. As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings,”
sabi niya kung saan naka-tagged si Aly at picture din nilang dalawa ang ginamit niya.

Matagal nang nababalita na split na sila dahil nga hindi na sila nakikitang magkasama nung late last year pa.

Sinasabing pareho silang busy kaya nagkanya-kanya muna sila.

Maja, Madam Anne at Alden

Thai billionaire na owner ng TV network, interesado kay Alden

Nasa bansa pala ang billionaire Thai gay na si Anne Jakkraphong Jakrajutatip, ang CEO of JKN Global Media Public Company Limited.

Siya ang carrier ng mga Pinoy show na ipinalalabas sa Thailand.

At super, super rich daw itong si Madame Anne.

Kahapon ay nasa ABS-CBN s­iya kung saan nakita sa social media ang photo niya with Maja Salvador dahil ipalalabas sa Thailand ang dalawang shows ni Maja sa ABS-CBN, ang The Legal Wife and Bridges of Love.

Siya rin ang producer na nagdala sa grupo nina Dingdong Dantes sa Thailand three weeks ago.

Si Madame Anne rin ang sinasa­bing magiging co-producer ng GMA 7 sa isang series na gagawin ni Alden Richards kung saan sinasabing Thai actress ang magiging partner ng Kapuso actor.

Si Alden daw kasi talaga ang ultimate crush ng billionaire producer.

Pero itinatanggi ng ilang malalapit sa aktor ang nasa­bing plano ng GMA 7.

Ang bigyan ng Thai actress partner daw ang nakikitang solution ng GMA 7 sa pangunguyog ng fans ng AlDub sa GMA ayon sa source.

ALY BORROMEO KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with