^

Pang Movies

Angel hindi kinalimutan si Ate Vi sa natanggap na award

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel hindi kinalimutan si Ate Vi sa natanggap na award

Angel Locsin

Pinasalamatan ni Angel Locsin si Congresswoman Vilma Santos-Recto nang mapasakamay na niya ang award mula sa National Commission on Culture and Arts.

“Salamat, Ms. Vilma Santos, you are and forever will be our star for all seasons. Thank you po Tita for the privilege na makatrabaho po kayo. Para ito sating mga Pilipino,” bahagi ng caption ni Angel.

Wala sa bansa ang akres para personal na tanggapin ang parangal.

Samantala, binigyan si Angel ng commendation ng Gabriela Partylist kamakailan dahil sa matapang na pahayag niya kaugnay ng grupo ng mga babaeng sumali sa talent search na hinu-host niya.

Kinuyog man siya ng mga basher, kinampihan naman siya ng grupo ng kababaihang Gabriela.

Pagkatapos mamatayan , Saab nilinaw ang kundisyon ng isa pang anak

Klinaro ni Saab Magalona na ang baby boy niya ay wala sa kritikal na kundisyon. Gaya nang inilabas niya sa kanyang blog, namatay ang baby girl niya.

Bahagi ng tweet ng anak ng sister ni Maxene Magalona, “We’d like to clarify that our baby boy is NOT in critical condition. He is recovering well in the ICU – let’s pray we can take him home by the end of the month.”

Nagpasalamat naman siya sa pagmamahal at suportang ipinadama sa kanila sa krisis sa buhay nilang mag-asawa.

Ang kapatid naman niyang si Maxene ay nagpaabot ng pagmamahal sa kapatid nang i-post sa Instagram ang litrato nilang dalawa nu’ng mga bata pa. “We will always be here for you,” caption pa ni Max sa isang picture ni Saab nu’ng ikasal.

Jodi at Iwa daig pa ang magkapamilya

Walang plastikan ang pagsasama sa Baguio nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto. Ang nakakabilib, kapwa nila kasama ang espesyal na lalaki sa buhay nila ngayon.

Kasama ni Jodi ang boyfriend na si Jolo Revilla habang si Iwa ay partner niyang si Pampi Lacson, dating asawa ni Jodi at ama ng anak nilang si Thirdy.

Inilabas ni Iwa sa kanyang IG ang group pic nilan apat kasama si Ejay Falcon na may non-showbiz girl na katabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with