^

Pang Movies

Fans walang nagawa, Janine sure na sure na kay Alden!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Fans walang nagawa, Janine sure na sure na kay Alden!

Janine Gutierrez

Kumpirmadong si Janine Gutierrez na ang tanging leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa big-budgeted teleserye ng GMA 7, ang Mitho na isang action-fantasy. Taliwas ito sa mga balitang si Inah de Belen at ilan pang actress ang makakatambal ni Alden. 

In fact, pinaghahandaan na nila ang nasabing serye. Tuluy-tuloy ang pagdi-gym ni Alden. Sa nakikita naman namin, fit na fit na ang katawan ni Janine sa kung anuman ang cha­racter niya sa teleserye na ididirek ni Dominic Zapata.

Anyday now, magsisimula na silang mag-taping dahil mid-year na ito mapapanood sa primetime block ng GMA 7.  At totoo ang kumalat na balitang magti-taping sila abroad.

Kahit magiging busy si Alden sa taping ng Mitho, tuloy pa rin ang iba niyang commitments gaya sa mga shows niya sa GMA 7 at mga show niya with other Kapuso stars abroad. Nag-taping na rin si Alden with Marian Rivera ng Celebrity Bluff bilang isang bluffer sa comedy game show hosted by Eugene Domingo.

Iza nagpasalamat sa nakuhang dangal

Labis-labis ang pasasalamat ni Iza Calzado nang tanggapin niya ang Ani ng Dangal award sa pagganap niya sa Bliss na ipinalabas last year.  Post ni Iza sa kanyang Instagram wall: “Ani ng Dangal, pangarap ka lamang dati, ngayon ay nakamtan na kita.  Maraming Salamat @nccaofficial sa pagkilala sa aking pagkapanalo sa Osaka Asian Film Festival para sa pelikulang Bliss noong nakaraang taon. Napakatamis na maparangalan ng aking Inang Bayan! Mabuhay!”

Two weeks ago ay nanalo rin si Iza ng first Best Actress award niya sa PMPC Star Awards para rin sa pagganap niya rin sa Bliss.

Arianne wini-wish bumagsak ang flight

Hindi kasama si Arianne Bautista sa morning romantic-comedy series nina Camille Pratts at Neil Ryan Sese na Ang Forever Ko’y Ikaw pero siya ang nag-host ng grand mediacon ng show.  

Nagkaroon ng chance ang ibang press na mainterbyu ang isa sa hated characters ng top-rating na Ika-6 Na Utos na nasa last two weeks na sa afternoon prime block ng GMA7.  “Naku, sobrang bash po ang inaabot ko sa social media,” say ni Arianne. “Dahil may iba po akong business, minsang nag-abroad ako, may nag-tweet na ‘sana bumagsak ang flight mo para hindi ka na makabalik sa show.’ Hindi ko naman po sila pinatulan dahil masama talaga ang character ni Selma. ”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with