^

Pang Movies

Babu na sa pagiging beauty queen, Mariel sasabak sa pagpapaseksi!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Babu na sa pagiging beauty queen, Mariel sasabak sa pagpapaseksi!
Mariel de Leon

Ipagpapatuloy ni Mariel de Leon ang pag-arte ngayong patapos na ang reign niya bilang Bb. Pilipinas-International 2016.

Hindi man pinalad makuha ang international crown, ipagpapatuloy niya ang nasimulang pag-arte after maging leading lady ni Coco Martin.

May inihahandang pelikula ang Regal Entertainment kay Mariel. Take note na kahit medyo daring ang konsepto nito eh, aprubado sa kanya.

Tanong nga ni Mother Lily kay Mariel nang makipag-usap kay Roselle Monteverde kasama ang manager niyang si Leo Dominguez, “Papayag ang daddy mo? Friend ko si Boyet.”

“Wala pong problema sa daddy ko,” tugon ni Mariel.

Maine mas pinili si Vic kesa kay Alden

Bulilyaso ang scheduled taping kahapon ni Maine Mendoza para sa Eat Bulaga Holy Week Drama Specials na sinulat namin dito. Ayon sa manager niyang si Rams David, itituloy ‘yon sa Lunes, Marso 5. Pero hindi pa rin si Alden Richards ang makakasama ni Meng sa episode niya, huh! Ang nakarating sa aming impormasyon, si Vic Sotto na ang makakasama niya, huh!

Siyempre, hindi love story ang kuwento ng episode nina Bossing Vic at Meng!

Eh si Pauleen Luna-Sotto naman, may sarili ring episode sa EB Lenten dramas. Natapos na ni Poleng ang episode niya kasama sina Ruby Rodriguez, Luanne Dy, Kyline Alcantara, Kenneth Medrano at iba pa.

Teka, sino naman ang co-stars ni Alden sa episode niya? ‘Yun ay kung meron siyang episode, huh!

Chris Tiu nakababae ulit!

Naka-babae na naman na anak ang basketball player/TV host na si Cris Tiu. Ibinahagi ni Cris ang paglabas ng second daughter nila ng kanyang non-showbiz wife sa Instagram.

“Words cannot express the overwhelming joy we are feeling right now with the arrival of this newest addition to our growing family. To our Almighty God who is so amazing and infinitely good, thank you for this wonderful blessing of life and love!

“You remind us of what truly matters in life, and that is the simplicity of a united and nurturing family that brings us authentic happiness,” caption ni Cris sa picture ng bagong anak. February 25 nang manganak ang asawa niya at ang name ng bata na may timbang na 7.2 lbs ay Mari Diana. Kasalukuyang host ng I-Bilib ng GMA si Cris.

vuukle comment

MARIEL DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with