^

Pang Movies

Wil kumpirmadong nag-marijuana para gumaling

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Wil kumpirmadong nag-marijuana para gumaling

Wil Daso­vich

Ikinuwento ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate at vlogger na si Wil Daso­vich ang malaking tulong ng medical marijuana sa pakikipaglaban niya sa sakit na colon cancer.

Ayon kay Wil, ang kanyang doctor pa ang nag-suggest na subukan nito ang medical marijuana at hindi nagsisi si Wil na sinunod niya ito.

Sa kanyang interview sa ANC Headstart, nag-share si Wil ng kanyang experience sa paggamit ng medical marijuana bilang treatment niya.

“In California, maybe some people don’t know this, but marijuana is legal. Not just medical marijuana, as in like marijuana by itself.

“Every single cancer patient I met in the infusion center uses medical marijuana. Because the best thing it does, it’s kind of like a miracle drug.

“They give you all these pills and stuff… I hated popping all these prescriptions they’re giving. It works, it alleviates stuff, but nothing was like medical marijuana.

“There’s something about it. The best thing is that it gives you an appetite.

“When you are in chemo, nothing tastes good. Your favorite food just tastes terrible, so you stop eating.

“I didn’t try it until halfway through my cycles. Chemo gets harder through every cycle, but it actually became so much easier once I’ve finally tried that medical marijuana and did it.

“And I didn’t do it to smoke because I want to preserve my lungs. It comes in candy, in brownies, and everything,” sey pa ni Wil.

Noong nakaraang February 2, in-announce ni Wil sa kanyang vlog na may titulong Life Determined by a Phone Call (EMOTIONAL) na siya ay cancer-free na after six-months treatment in the US.

Angelu naloka sa young actress na nag-feeling direktor

Nae-excite parati ang aktres na si Angelu de Leon na nakatrabaho ang mga baguhang artista ngayon. Very supportive si Angelu lalo na sa mga nakikita niyang may mga potensyal na maging big star tulad niya na naging top teen star noong ‘90s.

Pero may pagkakataon daw na may nakatrabaho siya na baguhan na ‘di marunong makisama.

“Nagulat ako kasi mukha siyang mabait. Magalang naman siya sa akin. Nalokah lang ako kasi parang may ibang mundo siya,” tawa ni Angelu.

Kuwento ni Angelu, maayos naman daw ang rehearsal nila bago mag-take ng eksena. Pero noong mag-take na raw sila, bigla raw iba ang pinaggagawa ng young actress.

“Wala namang problema sa akin kung konti lang ang ibahin sa kaeksena natin. Pero ‘yung totally na gumawa ka ng ibang eksena, ibang usapan na iyon.

“Parang ang selfish mo naman kapag gano’n ka. Hindi ka team player.

“Kaya may rehearsal tayo, para magkaroon tayo ng interaction. Hindi ‘yung bigla na lang ikaw na lang ‘yung umeeksena. Eh kasama ako sa scene, ‘di ba?

“Ayun pinagalitan tuloy siya ng direktor namin,” sey pa ni Angelu.

Marami na raw na-encounter na iba’t ibang ugali ng mga kabataang artista ngayon si Angelu. Karamihan naman daw ay mababait at marunong makinig, samantalang ‘yung iba ay feeling marunong na.

“Dumaan ako sa pagiging baguhan din. Pero never akong nagpakadunong.

“I always ask questions at inaalam ko kung may mali ba ako sa mga ginagawa ko. I respect the people who are ahead of me in this business.

“May ibang mga artista kasi ngayon, they feel privilege. They act like spoiled brats. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang mga ugali nila. Maybe because pinagbibida na sila agad.

“Sana naman maging considerate rin ang mga bagong artistang ito. Porke’t alaga kayo ng isang TV network, lumalaki na agad ang ulo ninyo.

“It’s pays to be humble sa industriyang ito.

“The more humble you are, the more people would love to work with you,” pagtapos pa ni Angelu na kasama sa bagong afternoon teleserye na The Stepdaughters.

Oprah Winfrey tinapatan ang kalahating milyong dolyar na donasyon nina amal at George Clooney

Hindi nagpadaig si Oprah Winfrey sa naging donation ng mag-asawang George Clooney at Amal Clooney na $500,000 para sa organization na March for Our Lives na tutulong sa survivors ng Marjory Stoneman Douglas school shooting sa Parkland, Florida.

“George and Amal. I couldn’t agree with you more. I am joining forces with you and will match your $500,000 donation to ‘March For Our Lives.’

“These inspiring young people remind me of the Freedom Riders of the 60s who also said we’ve had ENOUGH and our voices will be heard,” sey pa ni Oprah.

Ang naturang organization ay gagawa ng movement para umabot sa Washington D.C. ang magkaroon ng “stricter gun laws” dahil ang mga nagiging biktima ay mga inosenteng mga bata.

Ilan pang celebrities na sumama sa movement na ito ay sina Lady Gaga, Justin Bieber, Morgan Freeman, Amy Schumer, Steven Spielberg, at producer Jeffrey Katzenberg.

Ang goal ng March for Our Lives ay ang uma­ bot sa $1.5 million ang kanilang fundraising goal, pero mukhang sobra-sobra na ang nalikom na ng organization.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with