^

Pang Movies

Nash umamin sa ginawang krimen

Pang-masa
Nash umamin sa ginawang krimen

Nash

MANILA, Philippines — Nagkaroon na ng kasagutan ang bawat tanong ng mga manonood dahil inamin na ni Calvin (Nash Aguas) na siya ang utak sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez) sa The Good Son.

Dahil sa patuloy na pag-usig sa kanya ng kanyang konsenya, hindi na napigilan pang ilahad ni Calvin sa kanyang psychiatrist ang paglason niya kay Victor. Inilahad niya kung paano niya nilagyan ng kemikal ang inumin ng kanyang amain bilang ganti sa patuloy nitong pananakit sa ina niyang si Olivia (Eula Valdez).

Mas lalo ring naging emosyonal si Calvin matapos niyang ilarawan kung paano siya inudyok ng mga boses na kanyang naririnig upang gawin ang krimen, na nagpapatunay sa lalong lumalalang kundisyon niyang schizophrenia.

Dahil naman sa rebelasyong ito, hindi makapapayag si Joseph (Joshua Garcia) na basta na lamang hayaan si Calvin na makakawala at sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya ito sa kanyang kasalanan.

Ngunit magiging kasangga naman ni Calvin si Olivia at kapatid nitong si Enzo (Jerome Ponce) at pilit siyang poproteksyunan upang maiwasan ang pinsalang maidudulot nito sa kanyang kundisyon.

Ano nga ba ang kahahantungan ni Calvin ngayong alam na niya ang kanyang kasalanan?

Huwag palalampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng  La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with