^

Pang Movies

Jennylyn at Mark sinimulan na ang reunion

Joe Barameda - Pang-masa
Jennylyn at Mark sinimulan na ang reunion

Jennylyn

MANILA, Philippines — Magsasama sa isang project sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Mapapanood sila sa The Cure kasama sina Tom Rodriguez at LJ Reyes. Ito ang reunion project nila together kaya talagang kaabang-abang ang magiging kuwento nito.

Nag-level up din si Mark kaya excited na kaming makita siya sa small screen ulit. Nagsimula na sila sa taping, na ipinakita ni Jennylyn sa kanyang Instagram story.

Paolo at LJ nawawalan ng anak

Ang real-life couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes ay mapapanood sa Sherlock, Jr. bilang Albert at Meryll Ruiz, ang mag-asawang nawawalan ng anak. Siyempre, tutulungan sila nina Jack, Lily, at Pido kasama si Siri na siyang makakatunog sa pagkidnap sa isang bata ng mga sindikato.

Abangan ang magiging kuwento sa likod ng buhay nina Albert at Meryll, dahil sila naman ang susunod na papakitaan ng galing nina Siri at Jack.

Yasmien mas natutunang mahalin ang sarili

Dahil sa advocacy na ipinapamalas ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kinarir na ni Yasmien Kurdi ang pag-promote na matanggal ang stigma sa mga taong apektado ng HIV/AIDS.

Sumali siya kamakailan sa Fit To Love campaign ng Love Yourself, Inc., kung saan ineengganyo ang lahat na kuhanan ng litrato ang sarili para ma-empower na ipamalas ang kanilang self-worth. Perfect timing ito para kay Yasmien dahil mas natututunan na rin niyang alagaan ang sarili, na ibinabahagi rin niya sa kanyang followers at fans.              

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with