^

Pang Movies

Gusto munang magpayaman Rhian hindi pa sineseryoso ang pagpapakasal!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gusto munang magpayaman Rhian hindi pa sineseryoso ang pagpapakasal!

Rhian

Sunud-sunod ang mga artistang ikinakasal, kaya si Rhian Ramos na open naman na may boyfriend siya, kailan naman kaya ikakasal?

“No plans yet,” say ng isa sa bida ng The One That Got Away (TOTGA). “Hindi pa namin napag-uusapan, kapag lang nag-attend kami ng wedding, iyon nababanggit, but hindi pa rin seryoso. I want to get married when I’m 35 years old, hindi ako nagmamadali walang problema kung ano’ng age ikasal. Gusto ko pang magkaroon ng sariling business, clothing line, kaya tutok muna ako sa aking career para mas makaipon.”

Maraming nagsasabi na bagay siyang kontrabida as Zoe, sa kanilang romantic-comedy series. Kung titingnan nga raw ay kontrabida siya sa buhay nina Lovi Poe, Max Collins, at Dennis Trillo na siyang pinag-aagawan nilang tatlo sa story, pero her motivations daw naman ay always good para sa kanila, kaya thankful siya na itinu-tweet ng netizens na winning qualities niya ang pagiging lovable. Lahat daw naman ng mga ginagawa nilang tatlo, kahit adlib ay may approval ng mga director nila.

Pero takot pala si Rhian sa mga eksenang sampalan sa serye, at wala pa raw namang sampalang nagaganap sa kanila.  Ayaw niya muling matikman ang sampal ni Jean Garcia na dalawang beses nang nangyari, noong bago pa lamang siya sa mga seryeng Stairway To Heaven at Ilumina.  Ayaw din niyang masampal ni Lovi, dahil kahit payat ay ang lakas daw ng kamay ng actress.

Labis din ang pasasalamat ng cast ng TOTGA dahil sa mataas na rating nila gabi-gabi, pagkatapos ng Kambal, Karibal.

Alden at Maine hiwalay sa Lenten

Feeling very blessed si Alden Richards at thankful sila ng GMA Records sa nine nominations na natanggap nila mula sa 9th PMPC Star Awards for Music, para sa songs mula sa album niyang Say It Again, music video, at album cover design nito. Kasama rin na nominated siya sa kanyang Upsurge concert na produced din ng GMA Records at male concert performer of the year at male pop artist of the year.

Katatapos din lamang mag-shoot ni Alden ng TV commercial ng bago niyang endorsement plus ang launch ng isa pa niyang endorsement very soon.  Ilu-launch din nila ni Maine Mendoza ang bagong TVC ng isang brand ng ice cream na ini-endorse nila. Sad naman ang AlDub fans na hindi sila magkasama ngayon sa Lenten presentation ng Eat Bulaga dahil may kani-kanya silang episode. 

Hindi pa nagti-taping si Maine pero si Alden ay nag-tape na ng episode niya kasama sina Tito Sotto, Joey de Leon, Tirso Cruz III under the direction ni Adolf Alix, Jr.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with