^

Pang Movies

Landian nina Sharon at Gabby positibo ang dating

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Landian nina Sharon at Gabby positibo ang dating

Sharon at Gabby

Sa mga nangyayari ngayon, mukhang hindi na nga maiiwasan na muling pagtambalin sa isang pelikula sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa naging pagtanggap naman ng publiko na nakita dahil sa kanilang ginawang commercial, palagay namin si Sharon at maging si Gabby ay hindi na tatanggi sa kanilang muling pagtatambal.

Noong una, ayaw gumawa ng pelikula ni Sharon kasama si Gabby, sinasabing out of respect sa kanyang asawa. Tapos si Gabby naman ang tumangging makasama si Sharon, dahil diumano sa schedule niya sa high ra­ting TV series. Alam naman nating may ibang mga dahilan pa kaya hindi matuluy-tuloy noon ang kanilang pagtatambalan.

Pero sa ngayon, mukhang kailangan ni Sharon ang proyekto para mas patibayin pa ang kanyang comeback. Hindi naman kasi masasabing naging isang malaking hit ang pagtatambal nila ni Robin Padilla, at mukha namang hindi pa makagagawa ng pelikula si Ormoc Mayor Ri­chard Gomez. Kaya dahil sa naging epekto nga ng commercial, ang makakatulong para umangat pa siya ay si Gabby.

Si Gabby naman, napakataas nga ng rating ng kanyang TV series, pero hindi niya alam kung hanggang kailan iyan. Kailangan din niya ang pampatibay ng kanyang career, at si Sharon nga siguro ang makapagbibigay noon sa kanya.

Ang problema na lang ngayon, magkano ang talent fee ng isa’t isa.

Isa pa, nasa ABS-CBN si Sharon. Nasa GMA 7 si Gabby. In the past, nagkaroon na rin naman ng collaboration ang dalawang networks, noong gawin ang mga pelikula nina Richard Gutierrez na siyang hottest property noon ng GMA, at ni KC Concepcion na nasa ABS-CBN. Pero ngayon hindi lang iyong collaboration ng dalawang networks ang dapat isipin.

Alalahanin ninyo, ang gumawa ng lahat ng kanilang malalaking hits noon ay ang Viva Films. Halos iba na nga ang mga tao sa Viva ngayon, pero hindi maikakaila na naroroon pa rin ang mga old hands na lumikha ng Sharon-Gabby hits noong araw. Sila lang ang puwedeng kumapa ng tamang formula. After all, sino ba talaga ang nakakaa­lam ng lahat ng iyon? Maski si Sharon nga hindi alam kung papaano siya nakarating doon sa Megastar status niya eh.

Iyan ang isang bagay na kailangan nilang pag-isipan nang husto.

Mayor Goma nabiktima ng fake news

Maski si Mayor Richard Gomez ay sinasabing nabiktima ng fake news. Nag-share kasi si Goma ng isang balita na kung titingnan mo ay galing naman sa isang reliable news agency, kaso fake pala iyon. Hindi kasalanan iyon ni ma­yor, biktima lang siya ng fake news.

Kaya nga kami, hindi kami naniniwala diyan sa mga bali-ba­litang nasasagap sa social media, kasi halos lahat iyan fake news. Sa show business na lang, ilan ang nagiging biktima ng fake news sa araw-araw. Aywan nga lang kung bakit ang hilig pa rin nilang magbasa ng mga kuwentong hindi mo naman mapagkakatiwalaan.

Kagaya nga lang noong nagbabalitang nagpakasal sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ano ang nangyari sa kanila. Hindi naman pala sina John Lloyd at Ellen ang nagpakasal, iba pala.

Eh ‘di napahiya sila. Kailangan bago magbalita may kumpirmasyon. Isang araw ikukuwento namin kung sino iyong talagang nagpakasal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with