^

Pang Movies

Andrea nagpa-sexy sa disyerto!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea nagpa-sexy sa disyerto!

Andrea

Pahinga muna ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa pagdi-display ng kanyang katawan sa pagbisita niya sa bansang Dubai. Pagkatapos nga ng kanyang trip to Australia, sinunod ni Andrea ang pagbisita sa Dubai. Kasama ito sa kanyang mga gustong puntahan na bansa para sa taong ito.

Tinapos muna ni Andrea ang isang commitment with Kapuso Abroad at itinuloy na niya ang paglipad for Dubai para makapasyal at makapagpahinga.

Pinuntahan ni Andrea ang Burj Al Arab luxury hotel at ang Burj Khalifa, ang tallest building in the world kung saan kinunan ang ilang death-defying scenes ng pelikulang Mission: Impossible (Ghost Protocol) na pinagbidahan ni Tom Cruise.

Nagkaroon pa ng time si Andrea na mag-Dubai Desert Safari Tour.

At kahit na walang eksena sa beach, hindi pa rin napigilan na mag-sexy pose ito na ang background ay ang buhangin ng desert.

Maricar parang hindi nanganak

Sumabay na rin sa mga nagpapakita ng kaseksihan sa social media ang aktres na si Maricar de Mesa.

Naibalik na nga ni Maricar ang kanyang dating katawan pagkatapos nitong manganak noong nakaraang taon. Kaya heto, after seven months, kaya na niyang ibalandra ulit ang kanyang bikini-ready body.

Mukhang hindi nga nanganak si Maricar sa kanyang baby na si Alianna dahil walang bakas na nabuntis siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with