^

Pang Movies

Janice at Aga nagsama para sa anak!

Jun Lalin - Pang-masa
Janice at Aga nagsama para sa anak!

Aga, Luigi, at Janice

Kung noong isang gabi ay nagkaroon ng show ang ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, sina Aga Muhlach at Janice de Belen naman ang nag-reunion nung isang gabi.

Nagkasama ang dalawa sa grand opening ng restaurant ng anak nilang si Luigi Muhlach, ang LUMU Berrhouse + Filipino Kitchen sa may Greenbelt 3.

Bukod sa dalawa, naroon din ang mga anak ni Janice pati na ang sister niyang si Gellie de Belen. Ang misis naman ni Aga na si Charlene Muhlach at twins nila na sina Atasha at Andres ay sumuporta rin kay Chef Luigi. Naroon din ang half-sister ni Aga na si Almira Muhlach.

Pati ang mag-amang Ogie at Leila Alcasid ay present din.

Nakakatuwa nga pala si Chef Luigi dahil bilang pinaka-tribute sa lola niyang si Susan de Belen na pumanaw na noong 2016 ay isine-serve niya sa bagong restaurant ang Sopas ni Susan dahil noong bata pa raw siya ay nasanay siya na palaging ipinag­luluto ng ganoong sopas ng kanyang lola.

Sampalan nina Lovi at Erich natabunan ng kuwento ng Significant...

Sumisigla na naman ang Tagalog mo­vies sa takilya. After ng magandang resulta sa box-office ng My Fairy Tail Love Story at Sin Island, okey din ang box-office gross ng The Significant Other nina Tom Rodriguez, Erich Gonzales, at Lovi Poe.

Nang makarating nga kay Lovi na masaya ang producers ng kanilang pelikula, tuwang-tuwa rin ang sexy actress/singer.

Saka at least, during the promotion of the movie ay hindi na na-focus sa naging intrigahan kina Lovi at Erich ang publiciy ng pelikula. Actually, mas napag-usapan nga ang ganda ng pelikula, pati ang akting ng tatlong bida.

Samantala, pagkatapos maging sobrang busy sa promo ng movie sa rami ng kanilang mall shows, tutok na naman sa ta­ping ng The One That Got Away si Lovi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with