Erich Gonzales
Panliligaw ni Enchong kay Erich ‘di pinaniniwalaan!
Jun Lalin (Pang-masa) - February 19, 2018 - 12:00am

Marami ang ayaw sumeryoso sa tsikang baka ligawan na talaga ni Enchong Dee si Erich Gonzales ngayong magkapareha na uli sila sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang The Blood Sisters.

May mga pilit na nagli-link noon kina Enchong at Erich dahil nagkapareha sila sa tele­seryeng Katorse.

Mukhang interesting naman ang The Blood Sisters lalo na’t triplets dito ang characters na ginagampanan ni Erich, kaya kahit hindi na sila i-link ni Enchong ay mukhang pinapanood naman ang bagong teleserye na ito na nagsimula nang mag-air last week.

Beth Tamayo kuntento na sa buhay sa Amerika

Executive assistant sa isang investment company sa Amerika ang dating aktres na si Beth Tamayo.

Sa Bay Area (malapit sa San Francisco, California) based si Beth ngayon. Mula sa New York City ay nag-moved siya roon noong July of 2016.

Masaya na si Beth sa buhay niya roon na paminsan-minsan ay lumalabas sa ilang pelikulang isinu-shoot sa Amerika.

Kahit nasa ibang bansa na, si Beth pa rin ang isa sa pinakamalapit kay Judy Ann Santos.

Best friends ang dalawa at palaging nagtatawagan.

Dinalaw last year ni Juday si Beth sa Amerika nang mag-40 years old siya noong September 21.

Ruffa inggit kay Raymond

“Inggit” si Ruffa Gutierrez sa kapatid na si Raymond Gutierrez na nagbabakasyon ngayon sa Los Angeles, California.

Plano ni Ruffa na magbakasyon din doon sa birthday niya sa June 24.

Ilang taon ding tumira sa lugar na ‘yon si Ruffa, kaya nami-miss na niya ang nasabing lugar.

May mga nagsa-suggest kay Ruffa na pag-aralin na lang ang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas sa Beverly Hills High School dahil sobrang lapit ng kanyang condominium unit sa nasabing school.

Single working mother si Ruffa at mapupuri siya pagdating sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa kanyang mga anak.

OPM singers mabenta pa

Ayon sa concert producer na si Anna Puno, sold-out ang tickets sa Valentine concert na Timeless OPM nina Rico J. Puno, Imelda Pa­pin, Claire dela Fuente, at Rey Valera na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Successful din daw ang The OPM Hitmakers concert na ginanap sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino nina Rico, Rey, Hajji Alejandro, at Marco Sison, kaya dadalhin niya ang nasabing grupo sa Amerika para sa US Tour ng nasabing concert.

Kahit marami ang nagsasabing natatakot sila para sa health ni Rico dahil ilang beses na itong nagkasakit at dapat lang na magbawas na ng mga concert, naniniwala naman si Anna na malakas pa rin ang kanyang brother-in-law (estranged husband ni Anna si Jun Puno na kapatid ng singer/comedian).

Sabi ni Anna, wala pa ring kupas si Rico at marami pa rin itong fans lalo na around the USA!                  

Inigo bumagay sa hosting

VJ na rin ng MYX cable music channel ng ABS-CBN si Inigo Pascual.

Part na nga ng MYX Squad ang 20-year-old son ni Piolo Pascual. Happy ang Dahil Sa ‘Yo singer sa pagkakakuha sa kanya ng MYX bilang VJ.

Sa nakaraang media launch nila, halata ang sobrang excitement sa anak ni Piolo ngayong MYX VJ na nga siya.

In all fairness, bagay namang maging VJ si Inigo dahil magaling na rin siyang mag-host ngayon at hindi naman puwedeng sabihin na inilagay lang siya roon dahil si Piolo nga ang tatay niya.

Kasama na siya ngayon ng anak nina Anthony at Maricel (Laxa) Pangilinan na si Donny Pangilinan sa nasabing cable music channel.

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with