Piolo

Piolo may pa-abs sa Valentine concert!
Jun Lalin (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

Mamaya na ang Valentine concert ni AiAi delas Alas na Ai Love You sa Palacio de Maynila kung saan kasama niya bilang special guest si Piolo Pascual.

Dapat paghandaan ni Piolo ang gagawin sa kanya ni AiAi sa concert na ‘yon.

Knowing AiAi, tiyak na lalandiin niya si Papa P sa nasabing concert.

May mga nagsasabi kay AiAi na dapat ipatanggal niya kay Papa P ang shirt nito para tumambad ang napakagandang katawan ng aktor.

In fairness, isa si Papa P sa mga aktor na may magandang abs.

Anak nina Richard at Sarah bihasa na sa piano

So proud sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil magaling nang tumugtog ng piano/organ ang anak nilang si Zion bukod pa sa  magaling kumanta ang bata.

Ang piano/organ na ginagamit ni Zion ay ang ginamit noon ng kanyang nanay.

Naalagaan daw ng kanyang Lola Esther Lahbati ang organ/piano na ‘yon, kaya “minana” na ‘yon ng bata.

Hindi kami magtataka kung maging singer si Zion. Minana ni Zion sa kanyang nanay at lolo na si Eddie Gutierrez ang galing niya sa pagkanta.

Elmo at Janella walang angal sa promo

Masaya si Mother Lily Monteverde na sina Elmo Magalona at Janella Salvador ang mga pinagbida niya sa My Fairy Tail Love Story.

Masipag mag-promote ang dalawa. Ilang weekend nang nag­mo-mall show ang ElNella loveteam. Hindi lang around Metro Manila ang mall shows nila dahil pati sa mga probinsya, dumayo sila.

Sabi ni Mother Lily, malaking tulong ang sipag ng mga artista sa pagi­ging box-office success ng isang pelikula.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with