Rey at Yasmien

Yasmien ililipad ng asawa sa Japan para sa V-day!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

Today, Valentine’s Day, ililipad ng pilot na si Rey Soldevilla Jr., ang beautiful wife niyang si Yasmien Kurdi sa Japan.  Ang ganda-ganda naman ng Valentine’s gift ni Rey sa kanyang asawa, biro namin kay Yasmien.

“Very thankful po ako dahil nagkataong break muna namin sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kaya libre rin ako ngayong Valentine’s Day,” say ni Yasmien na halatang kinikilig sa kuwento niya. “At nagkataon namang may flight si Rey today, kaya siya ang pilot ko papuntang Japan. Sabi ng asawa ko, hindi raw naman niya matitiis na malamig ang Valentine’s Day ko. Kahit napaka­lamig ngayon sa Japan, no problem naman dahil kasama ko ang asawa ko. We will enjoy eating Japanese food at mag-loving-loving doon.”

Mahal na mahal ni Yasmien ang advoca-serye niya tungkol sa HIV.

“Tutok po ako dito sa first-ever advoca-serye ng GMA Network tungkol sa HIV na nakakalungkot malaman na ang Pilipinas ang number one na may kasong ganito. Part na ako ng advocacy na ito dahil gusto kong i-impart sa mga manonood kung ano talaga ang HIV.  Hindi po dapat ipagwalang-bahala ng bawat pamilya ang kasong ito dahil sa findings ngayon ang babata pa, 13 – 14 years old, may HIV na.  Ito yung nakikipag-sex without protection at too late na para malaman nilang nasalinan sila ng HIV virus.  Ten years ago pa, tinawagan na ako para sumali sa advocacy na ito.  Tinanggap ko agad ito lalo ngayon na may asawa at anak na ako at gusto kong malaman kung paano ko ii-explain ito sa mag-ama ko at sa family ko, lalo na ang daddy ko na napaka-conservative na akala niya kung ano ang nakikita niya sa TV na role ko, naniniwala siya,” mahabang paliwanag ni Yasmien tungkol sa nasabing sakit.

Sa Monday, February 26 ang pilot episode ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Jackie pinapain si Gina sa bashers

Hindi natatakot si Jackie Rice sa mga nakaabang na bashers dahil sa role niya sa upcoming series ng GMA. Kung masama ang character niya, mas masama raw ang character ni Ms. Gina Alajar, kaya raw ang respetadong director at actress ang siyang unang iba-bash ng netizens. 

Masaya si Gina na aakting naman siya at hindi magdidirek ng serye. Nami-miss daw niya talaga ang maki-bonding naman sa mga kapwa niya artista.  Bilang director mas malaki raw ang responsibilidad niya sa mga eksenang inihahanda niya. Kaya biro ni Gina sana raw ay huwag naman siyang laitin, sumusunod lamang siya sa character na ibinigay sa kanya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with