Kim

Xian ayaw pa-pressure sa sorpresa kay Kim!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

Taun-taon ay inaabangan ng marami ang pasabog ni Xian Lim kay Kim Chiu kapag sumasapit ang Araw ng Mga Puso. Hindi kasi nawawalan ang aktor ng sorpesa sa kanyang ladylove kapag sumasapit ang ganitong panahon.

Kaya naman sa presscon ng Sin Island held last Monday, tinanong namin si Xian kung may inihanda ba siyang bonggang surprise this year.

“Naku, mahilig ako sa spontaneous na ano, eh. ‘Yung mga ginawa ko in the past, biglaan lang ‘yun, a couple of hours or a day before ko lang ginagawa.

“Ang hirap kasi ng nagpaplano. ­Naka­ka-pressure. Avoid tayo sa pressure, ‘di ba? I mean, mas maganda ‘yung eto kasi ‘yung nararamdaman ko at this moment, eh, so ito ‘yung gawin natin,” sey ni Xian.

Pero definitely, he will come up daw with something.

“Definitely, kailangan ‘yan. Hindi pwedeng wala. I mean, ‘yan yung something na nasa puso ko,” sambit niya.

Kung kukuwentahin, mga pang-6th year na raw nila ito ni Kim na Valentine’s Day.

“Eversince Binondo Girl, nagkatrabaho kami and I’ve always loved surprising her and seeing her reactions,” pahayag pa ni Xian.

Samantala, showing na rin ng Sin Island today, Feb. 14 na talaga namang trailer pa lang ay pinag-uusapan na ang pagka-hot and sexy ng tatlong lead stars na sina Xian, Coleen Garcia at Nathalie Hart.

Kaya ayaw ng V-Day, Coleen na-trauma sa naka-date noon

After the presscon ng Sin Island ay may screening din ang movie that day kung saan kasamang nanood ni Coleen ang BF na si Billy Crawford.

Ang Sin Island bale ang last film ni Coleen bago magpakasal. After their beach wedding in April, Mrs. Crawford na siya at sobrang excited na nga raw niya sa bagong buhay na tatahakin.

Ngayong Araw ng mga Puso ay pagdiriwang daw nila ni Billy sa block screening ng Sin Island kasama ang kani-kanilang pamilya.

Hindi pa niya sure kung may solo date pa sila ni Billy for the V-day pero aniya, hindi raw talaga sila masyadong ma-Valentine’s day na couple.

“Kasi parang in the past, may mga masamang experiences ako sa Valentine’s Day pero ngayon, love ko na siya dahil sa pelikula,” natatawa niyang sabi.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with