Nathalie, Xian at Coleen

Hubaran at tsugian nina Xian, Coleen at Nathalie kinagimbal ng mga nanood!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

Super, Salve A., ang naging reaksyon ng mga nanood ng premiere ng pelikulang Sin Island, na ginanap sa Dolphy Theater sa compound ng ABS-CBN. And since limited nga lang ang capa­city ng sinehan, piling guests ang imbitado. Binubuo ito ng mga celebrity na malalapit sa major cast ng movie na sina Xian Lim, Coleen Garcia at Na­thalie Hart.

And, of course, ng director na si Gino Santos and the writer, 26 year-old Jancy Nicolas.

No show sa premiere si Kim Chiu na ayon kay Xian ay may previous commitment. Present naman ang fiancé ni Coleen na si Billy Crawford na umupo sa tabi nina Ria Atayde, cousin at best friend ni Coleen, at Dominic Roque. Sa likuran nila umupo sina Xian, Coleen at Nathalie. Plus Dominic Ochoa na gumanap bilang lawyer-elder brother ni Xian.

Naroroon din si Direk Dan Villegas minus his director-girlfriend, si direk Antoinette Jadaone.

Present, too, was direk Alco Guerrero, who is now at the helm of Gina Lopez more vibrant series, G Diaries.

Nakakwentuhan din namin si direk Alco na kababata ni Luis Manzano, since his mom, TV executive (ABS-CBN) Chit Guerrero used to produce the dance-musical show, Vilma In Person (VIP), now Lipa Representative Vilma Santos-Recto.

Although, nakapag-direk na si direk Alco para sa Pinoy Big Brother (PBB), Maalala Mo Kaya (MMK), Binibining Pilipinas at OneMusicPH, given the choice, gusto raw niyang magdirek ng musical concerts.

Well, good luck, direk Alco.

Of Sin Island, ang daming erotic scenes nina Na­thalie at Xian sa movie. And, in all fairness, ang ganda at makinis ang katawan ng dalawa.

In the case of Coleen, I wonder kung ano ang naram­daman ni Billy sa mga eksena nina Coleen at Xian, na gumaganap na mag-asawa at supposedly deeply in love.

In a way, too, as described by direk Gino thriller din ang Sin Island. Kaya, marami itong mga thrilling scences.

Kabilang din sa cast sina TJ Trinidad, Bernard Palanca, Desiree del Valle, at McCoy de Leon, na pawang may mga ‘important’ scene din sa movie.

Well, showing na today, Valentine’s Day ang Sin Island, in theaters nationwide. Ito ang unang release ng Star Cinema, na officially ang managing director ay si Olive Lamasan.

Bela tuyot ang Valentine’s

Hindi na raw mag-aabala pa si Bela Padilla na magkaroon ng special someone para may maka-date ngayong Valentine’s day. As it is daw, masaya siyang ipagdiriwang ang nasabing okasyon kasama ang mga kaibigan tulad nina Angelica Panganiban at Kim.

Bagama’t feel daw ni Bela na marami ang nag­dududa na happy siya sa pag-amin ni Angel Locsin na sila na ni Neil Arce na ex-boyfriend niya, well, wa raw siya care.

Nananatili pa rin kasing magkaibigan sina Bela at Neil. Naging maganda raw kasi ang kanilang hiwalayan. Kaya, wala ring dahilan para magdalawang-isip siya na makatrabaho itong muli. Marami na ring naisulat na story at scripts si Bela ng mga pelikulang ipinu-produce ni Neil.

By the way, showing pa hanggang ngayon ang Meet Me In St. Gallen, ang kanyang first movie kasama si Carlo Aquino bilang leading man.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with