Angeline

Angeline nadenggoy ng manliligaw, nagbayad ng kanilang Valentine date
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 13, 2018 - 12:00am

Sino kaya, Salve A., ang tinutukoy ni Angeline Quinto na dati niyang manliligaw, na inimbitahan daw siya for a Valentine date.

Nagtapos daw ang kanilang date na siya ang nagbayad ng lahat ng pagkaing kanilang inorder.

Why so? Angeline chose not to explain further.

Kiko gustong buhayin ang pelikula ng tatay na si Gary

Magbabalik-showbiz daw si Gary Estrada na for a time ay nag-concentrate sa politics at farming.

Balitang may malaking lupain si Gary sa Que­zon province. Doon na rin daw naninirahan si Gary kasama ang kanyang misis, ang dating aktres na si Bernadette Allyson.

Tatlo na ang kanilang anak na tipong artista rin.

Sa kanyang pagbabalik showbiz, makatrabaho kaya nito ang anak kay Cheska Diaz na si Kiko?

Happily married na rin si Cheska ayon kay Kiko.

Given the chance raw na makatrabaho si Gary, gusto raw sana ni Kiko na magkaroon ng remake ang pelikulang Tag-ulan, Tag-araw, kung saan ang nakapareha ni Gary si Dina Bonnevie.

Gaganap si Kiko bilang third wheel sa My Fairy Tail Love Story, kung saan niya nakasama ang magka-love team  na sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

My Fairy Tail Love Story, directed by Perci Intalan, opens in theaters nationwide tomorrow, Valentine’s day.

Kim at Xian malabo nang magsama

Sad news sa fans at followers ng love team nina Kim Chiu at Xian Lim dahil obviously, matatagalan pa bago sila muling magkasama sa isang project.

As is common knowledge, talent na si Xian ng Viva Artist Agency, while Kim remains a Kapa­milya.

Ang pelikula rin daw niyang Sin Island, kasama sina Coleen Garcia at Nathalie Hart, ang kanyang last movie sa Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN.

Directed by Gino M. Santos, mapapanood na rin ang said movie bukas.

Samantala, abala si Kim sa shooting ng pelikula nila ni Ryan Bang. Si Xian naman ay magiging abala sa shooting ng Miss Granny with Sarah Geronimo at James Reid na idinidirek ni Joyce Bernal.

Piolo noon pa type si Maris para kay Inigo

Mas nauna palang nag-‘propose’ na gusto niya si Maris Racal for his son, Inigo Pascual, si Piolo Pascual.

Ayon sa dalaga, nasa loob pa siya ng Bahay Ni Kuya sa isang edition ng Pinoy Big Brother (PBB), when Piolo, who appeared as a surprise guest sa show, approached her at sinabing gusto niyang ma-meet nito ang anak niyang si Inigo.

At that time, ayon kay Inigo, nasa US pa siya, since sa mother nga niya ito lumaki. Nitong nag-aaral na lang siya sa college at nag-decide to join showbiz saka siya pumisan sa kanyang ama dito sa Pilipinas.

Bagama’t as close as can be ngayon sina Inigo at Maris, itinanggi nila na they are sweethearts. Baka, in time raw, they will be a couple.

Sa ngayon ay mas gusto raw muna nilang tutukan ang kanilang respective careers.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with