^

Pang Movies

Janella at Heaven pagtutulungan ang ina

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umpisa na ng pagsasanib-puwersa ng kambal na sina Daisy (Heaven Peralejo) at Jasmin (Janella Salvador) upang mailigtas ang kanilang ina mula sa sumpa ngayong nakatakda nang ipagtapat ng huli na sila ay magkapatid sa huling dalawang linggo ng Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers.

Matapos nga ang tangkang pagnanakaw ni Daisy sa flora majika ng kakambal, hindi na mapipigilan pa ni Jasmin na itago ang katotohanan at aaminin na silang dalawa ay magkapatid. Magiging dahilan naman ito para lubos na lumambot ang puso ni Daisy at hindi magdadalawang-isip na tulungan si Jasmin sa misyon nitong mapakawalan ang ina mula sa sumpa.

Ngunit para magawa ito, kailangan munang magkaroon ng busilak na puso ni Daisy at muling mapaputi ang flora majika, kaya naman magkasamang gagawa ng kabutihan sa kapwa ang dalawa na lalong magpapatibay sa kanilang samahan at magpapakita sa unti-unting pagbabago ni Daisy.

Sa kabila ng kanilang pagtutulungan, biglang manghihimasok ang tiyahin ni Daisy na si Florita (Rufa Mae Quinto) at ipaparamdam sa pamang­kin ang kamalasang dinadala nito sa kanilang buhay. Lubos naman itong makakaapekto kay Daisy at magiging sanhi ng pagkakaroon nito ng inggit at poot sa puso para sa kakambal dahil sa matiwasay na buhay na mayroon ito, na nagbabadyang sumira sa kanilang misyon.

Matapos pa kaya nina Jasmin at Daisy ang misyon?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Power ngayong Linggo sa ABS-CBN.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with