Maine ginawan ng sariling lipstick ng isang international make up brand
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 20, 2018 - 12:00am

Napagkamalan palang magkasamang umalis sina Pambansang Bae Alden Richards at phenomenal star Maine Mendoza dahil magkasunod silang umalis last Monday, January 17.  Mali ito dahil si Alden ay sa Sydney, Australia pumunta for a concert.  Si Maine ang hindi alam kung saan pupunta, pero halos nag-abot nga sila sa Ninoy Aquino International Airport. Pero naunang umalis si Alden ng 11:00 AM, si Maine naman ay umalis ng 4:00 PM ng direct flight to Toronto.

Tinanong namin si Rams David, manager ni Maine sa Triple A Agency, pero secret pa raw kung ano ang gagawin ng aktres sa Toronto.

Pero ‘yun nga sa Mac cosmetics pa dahil maglalabas ang nasabing make up brand ng sariling lipticks  ni Maine.

“So happy to let you guys know that I am creating my own lipstick with @maccosmetics! Feels surreal to be chosen as one of the influencers and to be the first Filipina to have a lipstick collab with MAC. (Thanks so much, @maccosmeticsph!) Creating your own lipstick from scratch is tricky but I am so glad I was able to achieve the colour I wanted. I am sure you guys are gonna love it!!! Can’t wait for it to be launched! YAAAAY”

Anyways, mamayang gabi na, January 20, ang Alden Live In Sydney.

Ayon sa friends naming nandoon, sold out na ang concert tickets at maayos na nagawa ang press conference with the local press at ang meet and greet with the fans.

Kris iwas pa sa pag-aasawa

Wala pang balak si Kris Bernal na magpakasal kahit napag-uusapan na nila ito ng businessman boyfriend niya. Marami pa raw siyang gustong ma-accomplish.

“Pagkatapos nitong Impostora, haharapin ko na po muna ang food business ko,” sabi ni Kris. “Meron po namang nag-aasikaso pero gusto ko ring tingnan pa kung ano ang dapat kong baguhin o idagdag sa food park ko.”

Biniro tuloy si Kris kung hindi pa ba siya naiinggit sa kaibigang si Aljur Abrenica na may anak na ngayon kay Kylie Padilla, si Alas Joaquin?

“Hindi po pwede akong magbuntis hanggang hindi tapos ang contract ko sa GMA. Nasa clause po iyon ng contract ko.  Saka bata pa naman ako.  Gusto ko munang gumawa pa ulit ng isang show na bida-kontrabida pa rin ako at gusto ko sa afternoon prime pa rin dahil less stress dito.”

Napapanood ang Impostora after ng Ika-6 Na Utos.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with