Megan

Megan tsinitsismis ng dating driver, ‘di raw updated magpa-suweldo
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 20, 2018 - 12:00am

Hindi raw on time magpasuweldo ng kanyang dating driver si former Miss World Megan Young. ‘Yan ang tsismis ng isang Grab driver na nagpakilalang dating driver ng beauty queen at Kapuso actress.

As in may buwan pa raw na hindi pa siya (driver) sinusuwel­duhan ni Megan. At ito pa, hindi rin daw kabaitan ang kanyang dating amo.

True ba ‘yun Megan o isang imbento lang ng nasabing driver na umano’y dating tauhan ng actress.

Ang Grab/Uber driver ang isa sa mga source ng tsismis nga­yon.

Maria

Marami kasing celeb ang sumasakay na lang sa mga ganyang klase ng transportation lalo na nga’t ang hirap na ng parking. Ang iba naman ay nagpapakilalang naging driver ng celebrity tapos ibinubuko ang sinasabing totoong ugali ng kanilang mga amo.

Naku dapat i-check ni Megan ang dati niyang driver at kausapin para naman hindi siya sinisiraan ng kung anu-ano na ngayon nga ay kumikita bilang  transport network vehicle (TNV) driver.

Isa pang nag-reklamo sa Uber ay ang dating bold star na si Ma­ria Ozawa matapos daw siyang i-stalk ng isa sa mga driver ng nasakyan niyang ride sharing app na super in demand ngayon.

Kung anu-ano raw tini-text ng nasabing driver na nagpakilalang si Ben.

Nagbanta raw siya ng demanda sa operator ng ride sharing app pag nagpatuloy ang pambabastos sa kanya ng nasabing driver. May negosyo sa bansa ang dating Japanese bold star.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with