Haunted Forest tubong lugaw sa MMFF!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

Hindi na inilabas ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang total gross ng 43rd Metro Manila Film Festival na nagsimula noong December 25, 2017 at natapos noong January 7, 2018.

Ang listahan na lang ng mga pelikula na nanguna sa takilya ang ni-report ng MMFF Execom.

Nanguna ang Gandarrapido, The Revenger Squad ni Vice Ganda at pumangalawa ang Ang Panday ni Coco Martin.

Happy ang MMFF Execom dahil na-achieve ng MMFF 2017 ang mahigit na P1 billion gross na puwede talagang mangyari dahil tumaas ang presyo ng cinema tickets.

Asahan natin na sasali uli sa MMFF sa December 2018 sina Vice Ganda at Coco dahil bongga ang kinita sa takilya ng mga pelikula nila.

Pero si Mother Lily Monteverde at ang Regal Films ang tunay na winner sa 43rd Metro Manila Film Festival dahil maliit lang ang budget ng Haunted Forest pero pinilahan ito sa box office.

Mag-expect tayo na muling gagawa si Mother ng horror movie na isasali niya sa 44th Manila Film Festival dahil sa box office success ng Haunted Forest.

Supermarket ng mag-asawang Krista at Nino sa Cali nasunog!

Nalungkot naman ako sa balita na nasunugan ang mag-asawang Nino Lim at Krista Ranillo noong January 10, 2018.

Tinupok ng apoy ang branch ng Island Pacific Supermarket sa Vermont, Los Angeles, California pero nag-promise si Nino na isang magaling na businessman na itatayo niya agad ang nasunog na Pinoy supermarket.

Walang dapat ika-worry ang mga empleyado ni Nino dahil may ibang branch ang Island Pacific na puwedeng paglipatan sa kanila habang ginagawa ang Vermont branch.

More than twenty ang branches ng Island Pacific sa North America kaya sure ako na hindi mawawalan ng work ang affected employees ng Island Supermarket na talagang dinarayo ng mga Pinoy at mga Amerikano.

Mahusay na businessman si Nino kaya napalago niya nang husto ang kanyang negosyo.

Ang feeling ko nga, lucky charm ni Nino ang kanyang misis na si Krista at ang kanilang mga anak dahil dumami ang branches ng Island Pacific mula nang magpakasal sila.

Masuwerte naman ang mga empleyado ng Island Pacific dahil may boss sila na kagaya nina Nino at Krista na  compassionate at talagang iniisip ang kapakanan ng kanilang mga tauhan. Bagay na bagay talaga sa mag-asawa ang mga name nila dahil pareho sila na generous at matulungin sa kapwa.

Infomercial ng MTRCB epektibo!

Ipinapakita na sa mga sinehan ang bagong infomercial ng MTRCB at starring dito si MTRCB Chair Rachel Arenas.

Effective ang infomercial dahil may animation ito kung kaya nakukuha nito ang atensyon ng mga maliliit na bata na mabilis na natutunan ang ibig sabihin ng mga MTRCB classification na General Patronage, Parental Guidance, R13 at R18.

Malinaw na malinaw rin ang paliwanag ni Mama Rachel na maraming pagbabago na ginawa sa MTRCB para sa kapakanan ng mga manonood.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with