Alden Richards
Hindi raw panlalaki, Alden bugbog na bugbog na sa panggagaga sa assistant!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 17, 2018 - 12:00am

Pinuputakti ngayon ng bashers si Alden Richards at actually, parang hinahanapan na lang ng butas dahil kahit lumang birthday video greeting niya nu’ng 2014 ay hinalukay at binibigyan ng malisya ang pagsaway niya ng “Gaga, narinig ka!” sa kanyang PA.

Kung tutuusin ay normal na lang na expression sa showbiz ang salitang “gaga” pero talagang ginamit ito ng mga basher against Alden at binuhay na naman ang gay issue, ginawang big deal kahit ang babaw naman ng issue.

Ang babaw na basehan ng pagkalalaki ang expression na gaga. Kahit ang straight guys ay nakakapagsalita nito at ng iba pang gay lingo and they don’t care.

Good thing marami namang fans ang nagtanggol kay Alden.

Shaina hagip sa galit ni Mariel

Ipinagtanggol ni Mariel Rodriguez ang asawang si Robin Padilla sa katatakut-takot na pang­ba-bash na natatanggap nito ngayon dahil nga sa Pilipinas Got Talent incident kung saan ay sinabihan ng action star ang isang Korean contestant na mag-Tagalog.

Nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account last Monday at kasama nito ang screenshot ng post ng isang netizen na may handle name na shaina­magdayao100 na bina-bash si Binoe at idinamay pa ang anak nila na kahit sinong ina ay magiging tigre sa galit sa nakasaad.

We’ve known Mariel as a very sweet and educated lady. Hindi ‘yan nagtataray at hindi rin mapagpatol sa bashers. Para mapag-post mo ‘yan ng ganyan, ibig sabihin ay talagang galit siya and we understand her dahil foul naman talaga ang comment ng netizen.

For sure ay hindi naman si Shaina Magdayao na artisa ang nag-comment dahil walang picture na nakalagay sa profile at never na sasabihin ng aktres ang ganun’g makapanindig-balahibo na mga salita.

JC at Ryza contrast ang ugali

Inamin ng mga bida ng pelikulang Mr. and Mrs. Cruz na sina JC Santos at Ryza Cenon na hindi imposibleng magustuhan nila ang isa’t isa in real life kung wala silang kanya-kanyang partners.

“Oo naman,” natatawang sagot ni Ryza, “kasi contrast kami in real life. Sobrang ako, tahimik, siya madaldal. Marami kaming contrast, eh.”

Sey naman ni JC, “oo kasi kung pareho kayo ng personality, magka-clash kayo. Eto, ‘yung isa, tahimik, ‘yung isa, madaldal. Alam mo ‘yun, nagko-compliment.”

Nang matanong si Ryza kung hindi ba seloso ang boyfriend niyang si Cholo Barretto, sagot niya, “hindi nga, eh. Sobrang ano niya, napaka-supportive niya sa akin sa lahat ng ginagawa ko. Pino-promote din niya, ganu’n.”

When asked kung napag-uusapan na ba nila ang kasal, ani Ryza ay hindi pa naman daw at masyado pang maaga.

ALDEN RICHARDS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with