Bela iwas pag-usapan ang relasyon nina Neil at Angel
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 9, 2018 - 12:00am

Kahit walang boyfriend dahil nag-break nga sila ng kanyang long-time love na si Neil Arce, para kay Bela Padilla ay lucky year pa rin ang nagdaang taon.

Apat na pelikula ang nagawa niya noong 2017 at mayroon pa siyang serye, ang My Dear Heart, kasama sina Zanjoe Marudo at child actress na si Heart Ramos.

May naisulat din siyang ilang script na isinapelikula gaya ng Last Night at Camp Sawi.

Ayon kay Bela, mapantayan lang daw ng taong 2018 ang na-accomplish niya last year ay satisfied na siya.

Pero, kapag mas marami ang kanyang ma-accomplish, who is she to complain?

Halatang may issue about her na ayaw ma-touch ni Bela, well, kahit casual conversations man lang, at ito ay may kinalaman sa kanyang lovelife.

Nagkaroon ng balitang naging sila ni Zanjoe, but the issue died, kumbaga, a natural death.

Hindi rin welcome na pag-usapan sa aktres ang open na open na ngayon na relasyon nina Neil at Angel Locsin.

Sofia dinala na ni Diego kay Cesar

Na-meet na pala ni Cesar Montano, ayon kay Diego Loyzaga, ang kanyang favorite leading lady both in reel and real-life na si Sofia Andres.

And, so far, so good naman.

No need to tell you, of course, na si Diego ang only child ni Cesar sa actress na si Teresa Loyzaga.

Of Teresa’s impression kay Sofia, obvious na impress kaagad ang kanyang ina kay Sofia. “Kasi, mabait naman si Sofia, ‘di ba?”  saad pa ni Diego.

Likewise, na-meet na rin ni Diego ang parents ni Sofia. At nagustuhan si Diego ng mga ito.

Ganun pa man, idinedenay ng aktres na may ser­yosong relasyong nama­magitan sa kanila ni Diego, although, itinuturing niya itong pinakamalapit na male friend.

Only 19, napakabata pa raw niya para ma-in love. Diego himself just turned 22.

Yeng at mister pinu-push ang pag-aanak!

Determinado ngayong taon ang singer-composer na si Yeng Constantino na magkaanak na sila ng kanyang asawang si Victor ‘Yan’ Asuncion. Magtatatlong taon na rin silang mag-asawa. No wonder, na tulad niya, eager na rin na magkaanak si Yan.

Lately, if you noticed, tumigil na ang singer sa pagpapa-kulay sa kanyang buhok.

Natatakot daw kasi si Yeng, na baka makaapekto ito sa kanyang hangaring ­mabun­tis.

Yeng, likewise, has limited her commitments to being a member of the grand jurors ng segment na Tawag Ng Tanghalan ng daily noontime show na It’s Showtime.

Luis magpapaaral ng seaman!

Touched naman kami, Salve A., sa offer ni Luis Manzano na pag-aralin ang isang participant sa programang I Can See Your Voice sa isang maritime school dahil dream nitong maging seaman. Ito lang daw ang alam niyang paraan, para kahit papano, makaangat siya at ang kanyang pamilya sa buhay.

Nalaman kasi ni Luis na kaya ‘di ito makapag-enrol sa isang maritime school ay dahil sa kakapusan sa pera. He works as messenger in a company and could hardly make both ends meet, dahil siya ang sumusuporta sa kanyang pamilya.

Ang tanging hiling lang ni Luis sa kanyang scholar ay pagbutihin nito ang kanyang pag-aaral.

Well, Luis, from us here, thank you for your good deed. Your mom, Ate Vi (Lipa Representative Vilma Santos-Recto) did well in raising you.

Congrats din, Ate Vi.

BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with