Yeng dinasal sa Jerusalem na magka-baby
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

Hanggang ngayon ay mayroon pa ring hangover sa kasiyahan si Yeng Constantino nang mag-Pasko ito sa Jerusalem. Isinabay niya na ang pamamasyal sa nasabing lugar matapos ang concert niya para sa Filipino community sa nasabing bansa.

Pero mas na-bless ang fans ni Yeng sa pag-share nito ng kanyang adventure nang libutin ng singer/composer ang Jerusalem. Walang kapaguran na nag-video si Yeng sa lahat ng pinuntahan nilang lugar kasama ang asawang si VictorYan” Asuncion.

Mahaba ang video pero worth it panoorin ang mga vlog (video blog) na parehong pino-post nito sa kanyang Instagram at Facebook account.

Kahit second time nang pumasyal ni Yeng sa Israel, panay pa rin ang iyak niya at hindi maalis ang pagkamangha sa mga important spots sa Jerusalem. Isang Born Again Christian si Yeng at tini-treasure niya ang moment sa pagpunta sa lugar na holy. Kinailangan pang tanggalin ni Yeng ang kanyang false eye lashes na nasira dahil sa emosyal na pag-pray at pag-iyak nito.

Nakiiyak din ang fans sa vlog ni Yeng na comment na masarap ang kanilang feelings dahil parang nasa Jerusalem na rin sila habang pinapanood ang singer.

Wish din ng fans na matupad ang mga prayers ni Yeng sa Jerusalem lalo na ang magka-baby sila ng asawang si Yan. Prayer din ng mga fans na more blessings sa career at mas lalong magtagumpay ang singer ngayong 2018.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with