Maine nagbabad sa private birthday celeb ni Alden
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

Nagpatuloy ang 26th birthday celebration ni Pambansang Bae Alden Richards pagkatapos ng Eat Bulaga last Tuesday, January 2, sa kanyang Concha’s Garden Cafe sa Scout Madrinan, Quezon City.

After ng Eat Bulaga, nakatanggap kami ng text na nasa Broadway studio si Maine Mendoza dahil doon daw siya tumuloy after ng Sugod Bahay segment nila sa barangay. Si Alden naman ay tumuloy sa kanyang restaurant dahil may thanksgiving mass siya roon officiated by his spiritual director, si Fr. Jeffrey Quintela. Tumuloy na rin ang mga Dabarkads, sina Direk Mike Tuviera, Rams David at ilang staff ng Eat Bulaga.

Mayroong nag-text sa amin, sinundan daw nila ang car ni Maine at tumuloy nga siya sa Concha’s. Kung hindi kami nagkakamali, second time pa lang ni Maine na pumunta sa Concha’s.

Private ang birthday party ni Alden with his guests at walang fans na naroon. Pero maraming lumabas agad na video at pictures, na ayon sa aming source, nakunan daw lamang nila ang pagdating ni Maine sa resto at lahat ng mga kuha nila, through sa malaking glass window ng resto, hindi raw sila nagpilit na pumasok, nirespeto nila ang privacy ng party. Hindi raw naman sila binawalang kumuha ng picture from outside, kaya lang ay medyo madilim ang shots nila.

Na-post ang video na sinalubong ni Alden si Maine na nag-beso sa kanya, iyong nag-uusap sila kaharap si Celeste Tuviera, ang hair stylist ni Maine at anak ni Mr. Tony Tuviera. Nag-ikot din naman si Maine sa loob ng resto at bumeso sa mga kapwa niya taga-EB. Nagkaroon ng chance si Fr. Jeff na makapagpa-sign ng copy niya ng Yup, I Am That Girl book ni Maine. May post din na kasama ni Alden sina Maine, Direk Mike, Jenne Ferre, Celeste at Jerald Napoles.

Matagal ding nag-stay si Maine sa Concha’s bago siya nagpaalam kay Alden dahil may work sila pareho kinabukasan sa Eat Bulaga.

Paulo nag-aya sa Tacloban

Masaya ang mga producer ng Ang Larawan dahil binigyan na sila ng additional theaters dahil marami talaga ang nag-request sa social media na sana ay maipalabas sa lugar nila, lalo na sa provinces, ang pinag-uusapang musical movie nina Joana Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino

At si Paulo, nag-post sa instagram account ng “Date tayo sa Tacloban.” Ipalalabas na raw sa Robinsons Tacloban ang musical movie at sana nga hanggang sa matapos ang Metro Manila Film Festival sa Sunday, January 7, 2018.

Nag-iimbita naman si Bossing Vic Sotto sa mga kababayan natin abroad dahil simula sa January 5 to 7, 2018, ipalalabas na sa six cities in the United States, ang romantic-comedy movie nila na Meant To Beh

Mapapanood sila sa Anchorage, Alaska; Las Vegas, Nevada; Bloomingdale, Illinois; Norfolk, Virginia; Plano and Houston in Texas at sa California, sa Vallejo, Elk Grove, Union City, Milpitas, San Bruno, Daly City, Orange at Carson City.

Gil ginawang zombie

Umapir na bilang zombie si Gil Cuerva sa action-fantasy series na Super Ma’am at sabi ng mga netizens, siya raw ang pinakagwapong zombie na napanood nila. 

Ang hinihintay ngayon ng mga netizen  ang buhay ni Gil bago siya naging zombie at gusto rin nilang malaman kung makakalaban ba niya si Super Ma’am Marian Rivera na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with