^

Pang Movies

Bagong kanta ni Vice, kopya raw sa Korean girl group

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Bagong kanta ni Vice, kopya raw sa Korean girl group

Vice Ganda

Ipinalabas na ni Vice Ganda ang official music video ng isa sa mga soundtrack ng kanyang pelikula na Gandarrapiddo: The Revenger Squad na may title na Gigil si Aquo.

Lumabas ang pagiging K-Pop lover ni Vice sa naturang music video ng kanyang novelty song.

Ganun pa man, hindi siya nakaligtas sa intriga. Katunog daw kasi nito ang kantang BoomBayah mula sa South Korean girl group Blackpink na pati kilos, galaw, at up beat ay may pagkakatulad.

Pero aliw na aliw pa rin ang fans sa pasabog ni Vice. Mala-Sailor Moon ang buhok nito at malakas ang karisma at pakuwela.

Samantala, patok din ang kanta ni Daniel Padilla na may title na Maging Superhero mula rin sa pelikula nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach.

Ang ganda ng kanta na catchy. Dahil dito ay muli na namang nabuhay ang dugo ng fans nila ni Kathryn Bernardo dahil iniisip nila na dedicated sa kanya ang kanta.

In all fairness kay Daniel dahil walang puwedeng pumintas sa kanta nito, mapa-boses, lyrics, at beat ay suwabe. Nakaka-LLS sa ganda ng kabuuan ng songs na release ng Star Music.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with