Jennylyn takot kay Dennis?!
Nora Calderon (Pang-masa) - December 14, 2017 - 4:00pm

Malakas na palakpakan ang sumalubong mula sa mga nanood sa pagtatapos ng special screening ng All of You sa Director’s Club Cinema sa SM Mega Fashion Hall, ang pelikulang nagpapabalik ng winning trium­virate nina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at Direk Dan Villegas, na unang nagkasama-sama sa romantic-comedy movie na English Only Please in 2014 na pare-parehong nagbigay sa kanila ng best actor, best actress at best director awards respectively sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noon.

Kung pakilig ang unang movie nila, this time, sa higher level na ang characters nina Gabrielle o Gabby (Jennylyn) at Gabriel o Gab (Derek), mas seryoso na dahil tungkol ito sa relationship at commitment ng dalawang taong nagmamahalan. Siyempre ay involved dito ang maraming romantic moments nina Gabby at Gab.

Hindi na kami magdidetalye ng mga eksena, pero after the special screening, natanong namin sina Derek at Jennylyn kung ipapapanood ba nila sa kani-kanilang sweetheart ang movie.

“Kami ni Joanne (Villablanca, his girlfriend) walang problema sa ganyan,” sagot ni Derek. “In fact kasama ko siyang nanood ngayon with my son Austin.  Kung may ilang bagay kaming hindi napagkakasunduan, pagdating sa work ko, naiintindihan niya iyon.”

“Hindi, hindi ko ipapapanood kay Dennis (Trillo) ang movie,” sagot ni Jennylyn. “Saka hindi naman nanonood ng movie ko si Dennis, mas mabuti na rin kasi iyon, nagkakainintindihan naman kami ni Dennis tungkol sa aming trababo.”

Uso yata ang mga special guest appearance ng mga artista, may cameo role rin sa movie sina Rafael Rosell, Sam Milby at Solenn Heussaff. Produced by Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo, MJM Productions, Globe Studios, Planet Media Productions, mapapanood ang All Of You simula sa December 25, 2017 in cinemas nationwide.  

Nabigyan sila ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) at PG (Parental Guidance) classification ng MTRCB.

 Dawn na-miss si Vic

“It’s a movie with a heart,” ang description ni Dawn Zulueta sa Meant To Beh na muli nilang pagtatambalan ni Vic Sotto para sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF).  Masaya si Dawn sa muli nilang pagtatambal ni Bossing Vic na una niyang nakatambal noon sa Okay Ka Fairy Ko na isang fantasy.         

“Pero dito, wala munang fantasy, ipakikita namin ang relasyon ng family, ang family’s life lessons and values,sabi ni Dawn. “Muli akong nag-enjoy na kasama si Bossing, na-miss ko na siyang makatrabaho.  Actually, ganoon pa rin siya, hindi siya nagbabago. Hindi siya tumatanda at sabi ko, yummy pa rin siya.  At sa set, hindi kami nagugutom, laging mara­ming pagkain.”

Bakit niya tinanggap ang isang comedy movie? “Natuwa nga ako nang i-offer sa akin itong movie, sabi ko iba naman, dahil laging drama ang mga teleseryeng ginagawa ko, saka basta naman maganda ang project, drama o comedy man, tatanggapin ko.  Lalo na nang malaman kong for the MMFF ito, hindi talaga ako tumanggi, na-miss ko na ring sumali sa MMFF at na-miss ko na rin ang pagsakay sa float.”

Hindi rin naniniwala si Dawn sa competition sa mga iba pang entries, dahil kung festival, para sa ating lahat daw iyon at silang mga artista at producers ay gusto lamang ibigay sa publiko ang gusto nilang ipakita kung ano ang naihanda nila sa mga manonood sa Christmas.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with