Alden gusto na ring makalibre sa pakikialam at pandidikta ng fans!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 14, 2017 - 4:00pm

Ang dami pang lumalabas na kuwento, iyon pala ay inaasahan pa rin nila ang pagbabalik ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga at muling pakikipagtambal kay Alden Richards. Naging pabigla-bigla kasi sila ng kanilang reaksiyon sa ginawa ni Maine samantalang hindi nila iniisip kung ano ang maaaring maging balik noon. Ngayon nakita nilang kailangan pa pala talaga si Maine, eh di naghihintay rin sila ng kanyang pagbabalik.

Simple lang naman ang sinabi ni Maine, hindi sila totoong mag-syota ni Alden. Si Alden ay kaibigan lamang niya. Hindi lang naman ang kanyang sarili ang gusto niyang makalibre sa pakikialam at pagpipilit na gawin silang mag-syota kahit na hindi. Palagay namin iyon din naman ang nasa loob ng Alden, ayaw nga lamang niyang aminin iyon. After all maliwanag na hindi naman siya nanligaw kay Maine.

Kung natatagalan ni Alden ang gano­ong sitwasyon, iyon ay dahil lalaki siya. Eh si Maine, babae. Mas mabilis maapektuhan ng emosyon. Kaya noong hindi na niya matiis ang pagpipilit sa kanilang love team, su­ma­bog na rin ang kalooban niya.

Nagalit lang naman si Maine dahil sa kung anu-anong sinasabi ng fans at bashers niya sa tuwing may mababalitaan sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Eh bakit nga ba naman ganoon eh wala naman siyang maling ginagawa. In the first place, hindi niya syota at hindi naman nanligaw sa kanya si Alden. Sana tinatanong din nila si Alden kung bakit hindi niya niligawan si Maine para mas maintidihan sana nila. Hindi iyong bash na lang sila nang bash.

Kadalasan nasasabi ngang iyan ang masamang epekto ng social media. May mga taong maaari na lang magsabi ng kahit na ano sa kapwa nila tao, nang wala man lang silang pananagutan dahil hindi naman kilala kung sino sila. Maski nga isang dating executive ng Facebook eh, nagsabi na iyang social media, nakakasira maging ng pamilya.

Dating kasambahay ni Claudine walang habol sa reklamo?!

Sumugod ang isang dating kasambahay ni Claudine Barretto sa programa ni Raffy Tulfo saTV5 para ireklamo ang aktres. Kinuha raw siya para maging yaya ng anak noon, pero nang maospital si Claudine, pinagbabantay din daw siya sa ospital. Ang reklamo niya ay halos wala siyang tulog, dahil maya’t maya raw ay ginigising siya ni Claudine, para magpasama sa CR kung saan iyon naninigarilyo.

Inamin naman niyang nagtrabaho siya ng seventeen days, binayaran naman daw siya para sa sixteen days at sa usapan nila 200 pesos lang ang kulang sa kanya ng aktres, batay sa araw ng kanyang trabaho. Kaya lang gusto niyang maningil ng dagdag dahil sa pagbabantay niya kay Claudine sa ospital.                                         

Nakahalata yata si Raffy, kaya sinabing siya na lang ang magbibigay ng 200 na kulang sa suweldo at dadagdagan pa niya. Maging ang may-ari ng agency na pinagkunan sa kanya ay naniniwala rin namang kung minsan ang mga kasambahay ay dapat makisama rin sa kanilang mga amo. Wala naman talagang kasambahay na may over time pay eh.

Hindi mo na malaman kung sino ang tama at mali. May mga bagay na legal, pero may kunsi­derasyon din namang moral dapat.

Dating sexy actor loyal sa matrona

Magkasosyo raw sa negosyo ngayon ang isang dating male sexy star at ang kanyang girlfriend na dati ring female entertainer sa Japan. Ang hindi alam ng girlfriend, iyon palang isinosyo ng dating male sexy star ay galing sa isang matrona na sumusuporta sa dating sexy actor hanggang ngayon. 

Hindi kaya magwala ang girlfriend kung malaman niyang ang talagang kasosyo niya ay kasosyo rin pala niya sa kanyang BF?

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with