Erich umaming nakatulong si Direk Paul sa pag-move on kay Daniel
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 14, 2017 - 4:00pm

Maraming napapa-wow nga­yon sa ganda ng katawan ni Erich Gonzalez na talaga namang proud niyang ipinakita sa pelikulang Siargao, isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017.

Bukod dito, si Erich din ang bagong Tanduay calendar girl for 2018 at ang dami rin niyang pinahanga sa bagong sexy pictorial niya para sa nasabing kalendaryo.

“Pinaghandaan po talaga natin ‘yan, pinagtrabahuhan po natin and kung hindi ko po gagawin ngayon, kelan pa? I mean, I’m ready for it, hindi na po tayo bata pa, so ‘yun po, dumating po ‘yung project and nai-prepare naman po lahat,” sey ni Erich.

Perpect timing din daw talaga ang offer to do Siargao dahil nang time na ‘yun ay hinahanap din niya ang kanyang sarili. Well, alam naman natin na that time, she has just broken up with Daniel Matsunaga.

“Nung dumating ang project na ‘to, timing talaga, parang gusto kong mahanap ang sarili ko, ano ba ang nangyayari. Pero bago pa ako pumunta ng Siargao, nahanap ko na ang sarili ko. Hindi na ako lost,” sey niyang natatawa.

Pero malaki rin daw ang naitulong ng mga co-stars niyang sina Jericho Rosales, Jasmine Curtis and direk Paul Soriano.

“Nakatulong sila, sobra. Nag-shoot po kami do’n for almost a month and tulad nga ng sabi nila, work siya pero parang hindi work, sobrang nag-enjoy kami, and sobrang plus po talaga, bonus, ‘yung location namin,” sabi ni Erich.

When asked kung tuloy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy niya, ayon kay Erich, ever since naman daw ay open siya sa ganitong bagay dahil marami na rin siyang nagawang mature project pero syempre, dapat ay depende pa rin sa project at hindi pwede ‘yung magpapakita lang siya ng katawan nang hindi naman kailangan sa story.

Derek tinanggihan ang offer na maging artista sa Hollywood!

Masaya ang Pasko at Bagong Taon ni Derek Ramsay ngayon dahil kasama niya ang 14-year old son na si Austin Gabriel. Dumating ang bagets mula sa Dubai kung saan ito naka-base with his mom noong Martes kaya isinama na ito ng aktor sa special screening ng pelikula niya with Jennylyn Mercado na All of You nang hapon ding iyon.

Kaya naman marami nang plano si Derek na gagawin nila ng anak for the holidays.

“Christmas, dito, kasi ‘yung parade nga, (December) 23, and then, alis na kami for Palawan after awards night, hanggang New Year. Du’n na kami magnu-New Year,” saad ni Derek.

May rest house ang pamilya ni Derek sa Palawan at doon na rin nakatira ang kanyang parents.

This will be Austin’s second Christmas with his dad. Noong 2015 ay sa Palawan din daw sila nagdiwang ng Holidays at nag-enjoy daw talaga ang bagets.

“Walang takot ‘yang batang ‘yan. Last time we were there, nun’g 2015, hinihila ko siya behind the boat, sa gitna ng laot, huh! Nakapatong siya du’n sa parang doughnut, pinapalaglag ko siya sa gitna ng dagat, nalalaglag siya, wala siyang pakialam kahit mag-isa,” kwento pa ni Derek.

Nabilhan na rin daw niya ng Christmas gift si Austin, ang napakamahal na Alien­ware gaming laptop na uso sa mga kabataan ngayon. Ito raw ang hiniling sa kanya ng anak.

“Binigyan ko siya ng Alien­ware na sobrang high-tech na laptop, pang-gaming. Bitbit nga niya kanina sa eroplano, parang anak niya, ayaw niyang bitawan. It’s bigger than him. It’s so big.

“I said, ‘do you want a Macbook?’ (and Austin said), ‘no, I want this one’. Hindi ko alam, ano ba ‘tong Alien­ware na ‘to? Pagtingin ko, Diyos ko, ang ma­hal!” sambit ni Derek.

Samantala, dahil sa husay na ipinakita ng aktor sa All of You ay inalok siya ng isang board member ng Iflix na nanood din sa special screening kung willing ba siya to go international.

“She said that ‘we need you in the US, we want to get you, we need you to go international.’ Wow, sobrang gandang compliment,” kwento ni Derek.

Willing ba siya if ever? “Tingnan natin, mas gusto ko dito, eh,” natatawa niyang sabi. “Philippine cinema is great. I like Philippine cinema.”

Dagdag ng aktor, may mga commitments pa siyang nakatakdang gawin dito sa Pinas at ito muna ang priority niya ngayon. “May nga naka-line-up akong pelikula dito for next year with Star Cinema, Atty (JoJi Alonzo of Quantum Films) again, and Kris Aquino – really cool script – so I can’t entertain that for now. If that’s the case.

  sabi ni Derek.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with