TV host sinukuan ng stylist dahil sa kabaduyan
(Pang-masa) - December 7, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Binigyan na ng memo ang female TV host na ito na kumuha ito ng matinong stylist dahil parati na lang pinipintasan ang mga suot nito sa TV.

Umaasa lang kasi si female TV host sa kanyang mga sponsors. Pero kadalasan ay hindi magaganda ang mga pinapadala sa kanya kaya super na inookray si female TV host.

Pero dahil nga sa sobrang kuripot ang female TV host, ayaw nitong magbayad ng sarili niyang stylist. Gusto niya na ang show niya ang magbayad ng stylist para sa kanya.

Ginawa na iyon dati ng producers ng show niya at binigyan siya ng in-house stylist, pero two weeks lang nagtagal ang stylist sa female TV host dahil marami silang hindi napagkasunduan.

Masyado raw kasing maraming kaartehan ang female TV host. Kapag may pinapasuot ang stylist hindi raw nito sinusunod at ang mga dalang damit pa rin nito ang gustong isuot.

Tuloy napipintasan ang stylist sa mga damit na hindi naman niya pinasuot sa female TV host. Eh pangalan pa naman niya ang lumalabas sa CBB (closing billboard) ng show.

Kaya sumuko na ang stylist sa female TV host.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with