Young actor sa bahay ng young actress na dyowa nakikitira!
(Pang-masa) - December 7, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Dismayado nga ang talent manager na ito sa kanyang alagang young actor dahil nalaman niyang nagsasama na sila ng isang young actress.

Nagulat nga raw ang talent manager dahil ibang tao pa raw ang nakaalam at nagmukha nga raw siyang tanga dahil wala siyang alam sa pinaggagawa ng kanyang alaga.

Sa ginawang pag-iimbestiga ng talent manager ay nalaman niyang sa bahay pa raw ng young actress umuuwi ngayon ang young actor. May mga gamit na raw siya roon at pagkatapos nga raw ng taping nito ay doon na siya umuuwi.

Hindi pa raw kinakausap ni talent manager ang kanyang alaga dahil baka kung ano raw ang masabi niya rito. Lalo na doon sa kinakasama nitong young actress na pinagkatiwalaan pa naman niyang bantayan ang young actor para hindi ito mapariwara.

‘Yun pala ay ito pa ang mag-uudyok sa young actor na gumawa ng hindi maganda at maglihim pa sa kanya.

Matagal na nga rin daw hindi kinakausap ni talent manager ang young actor dahil marami na silang hindi mapagkasunduan. Pasaway na raw ito pero iniintindi na lang siya ni talent manager.

Ang pinagtataka lang daw ni talent manager kung bakit tino-tolerate ng magulang ng young actress ang pag-uwi sa bahay nila ng young actor? Dapat ay sila pa raw ang unang magbawal nito dahil makakasira ito sa image ng kanilang anak na babae.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with