Sexy actress parang lihim na lihim pa rin ang naging tsugian sa sexy actor na kaibigan ng dyowa
Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 7, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Marami na ngang nagdaang mga lalake sa buhay ng sexy actress na ito. May mga nakarelasyon siyang alam ng publiko pero meron din naman siyang nakarelasyon na hindi alam ng marami.

Kabilang nga sa mga sikretong relasyon niya ay ang sa isang sexy actor na nakasama niya sa isang TV show. Umabot din ng isang taon ang kanilang lihim na relasyon at iilang tao lang ang nakakaalam. Mahirap na raw kasing ibulgar ang kanilang samahan dahil may ka-live in at mga anak ang naturang sexy actor.

Nagsimula nga ang lahat nang aminin ni sexy actor na crush niya si sexy actress. Tuwing napapanood nga raw niya noon sa pelikula ang sexy actress ay iba ang pakiramdam niya. Feeling niya ay magiging sila baling-araw.

Gayundin naman ang nararamdaman ng sexy actress. Physically attracted siya sa sexy actor pero noong makasama niya sa isang TV show, nabaitan siya rito at mukhang magiging masaya sila kapag naging sila. ‘Yun nga lang, karelasyon ni sexy actress that time ang drama actor na isa sa mga kaibigan ni sexy actor.

Pero hindi nga nagtagal ang samahan ni sexy actress at drama actor dahil nahuli niya itong nambabae. Naging hingahan ng sama ng loob ni sexy actress si sexy actor. Tuwing break nga raw nila sa kanilang ginagawang pelikula that time ay sila ang nagkakausap at naihinga ni sexy actress ang lahat ng sama ng loob niya sa sexy actor.

Doon na nagsimulang pormahan ng palihim ni sexy actor ang sexy actress. Simple lang daw silang mag-date. Sa isang restaurant sila magkikita pero may ibang mga kasama si sexy actress at gayundin si sexy actor. Kunwari ay magugulat sila dahil sa same resto sila nagkita at ang ending ay magsasama na lang silang lahat sa isang mahabang lamesa. Throughout the night ay ang dalawa ang magkausap at alam naman iyon ng kanilang mga kaibigan.

Isang taon din silang gano’n hanggang sa tinigil na ni sexy actress ang relasyon nila. Nahihirapan daw siya sa kanilang pagtatago. Mabubuking din sila balang-araw kaya habang wala pang nakakaalam ay itigil na nila. Sang-ayon naman si sexy actor dahil nakakaramdam na siya ng guilt kapag nakikita niya ang mga anak niya.

Pero kahit nagtapos na ang relasyon ng dalawa, nanatili ang pagkakaibigan nila. Walang nabago sa kanilang pagkatao dahil tanggap nga nila na hindi sila para sa isa’t isa kahit na mukha silang perfect na magkatuluyan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with