Jennylyn Mercado

Pasko ni Jennylyn kulay asul!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 6, 2017 - 4:00pm

Hindi maiwasan ni Jennylyn Mercado na makaramdam ng lungkot tuwing papalapit ang Pasko.

Ayon sa Ultimate Star at bida ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na All Of You, hindi raw nito mapigilan na maiyak tuwing naaalala niya ang mga nakalakhan niyang mga magulang na sina Roger at Lydia Mercado.

Parehong namaalam ang mga magulang ni Jen kaya may dahilan daw para maging blue ang Pasko niya.

“Siyempre, sa mga ganitong okasyon mo maaalala ang mga taong nawala sa buhay mo na pinakamamahal mo, ‘di ba?

“Noong mawala si Daddy noong 2008, ang sakit no’n. Kasi buntis pa ako noong mga panahon na iyon kay Jazz.

“Pero noong mawala na si Mama last year, ‘yun ang pinakamasakit sa lahat kasi parang nawalan ako ng sandalan.

“Si Mama kasi ang naging hingahan ko ng mga problema ko. Siya ang laging kasama ko at siya ang number one supporter ko sa lahat.

“Tsaka sobra siyang mahal ni Jazz. Lumaki na si Jazz sa lola niya kaya sobra akong na-depress.

“Kaya heto, second Christmas na wala si Mama at siyam na Pasko naman na wala na si Daddy. Pinagdarasal ko silang pareho araw-araw. Lagi kong hiling na gabayan nila kami ni Jazz sa lahat ng mga ginagawa namin.

“Naniniwala naman ako na nandiyan lang sila Daddy at Mama. Hindi nila kami pinababayaan,” emote pa ni Jennylyn.

Mikael at Megan mas gustong mag-travel kesa magpakasal

First time na magkakasama sa isang teleserye ang real-life couple na sina Mikael Daez at Megan Young.

Gagawin nila sa 2018 ang teleserye na The Stepdaughter.

Anim na taon na ang relasyon nina Mikael at Megan pero wala pa raw sa immediate plans nila ang magpakasal.

“Wala pa muna ‘yan sa mga plano namin ni Megan. We are still enjoying ourselves traveling and now we’re working together in one show.

“Kapag mag-asawa na kasi kayo, maiiba na ang priorities namin. Kaya we’ll get married when the time is right,” sey ni Mikael.

Happy nga si Megan na magkakaroon na siya ng pagkakataon na makatrabaho ang boyfriend.

Never pa raw kasi napapanood ni Megan na magtrabaho sa set si Mikael.

“Excited ako kasi siyempre ‘yung samahan namin, outside of the work area so hindi ko pa siya nakakasama sa work.

“Gusto kong malaman kung paano siya sa work area niya.”

Hirit naman ni Mikael: “Dati ko pang sinabi sa kaniya nu’ng lumipat siya sa GMA na sobrang excited ako na makatrabaho siya.”

Magsisimula na raw ang taping nila para sa naturang teleserye kung saan makakasama rin nila si Katrina Halili.

Sa darating na Pasko, wala pa raw plano ang dalawa kung kanino sila mag-spend ng Noche Buena. Ang sigurado lang daw ay makakasama nila ang isa’t isa on Christmas Day.

 J.Lo naka-move on nang makatrabaho ang dating mister!

Inamin ni Jennifer Lopez na ang muling pakikipagtrabaho nito sa kanyang ex-husband na si Marc Anthony ang gumamot sa anumang sakit na naramdaman niya noong mag-divorce sila.

Ngayon ay tinuturing na ni J.Lo na kaibigan na ang ama ng kanyang kambal na sina Max and Emme.

Nakipag-collaborate si J.Lo kay Marc sa upcoming Spanish language album niya.

“Collaborating on Por Primera Vez actually kind of repaired certain parts of our relationship that had been fractured from our marriage and our divorce and it kind of made us friends again.

“Because when we first started working together, it’s how we met... we met working. And so we remembered that like, oh right, we connect on this level of music.

“We have that. And that’s what the album came out of,” sey ni JLo.

Ang isa sa ni-record ni JLo na song sa kanyang album ay may titulong Vivir Mi Vida. Tribute raw ito sa yumaong ina ni Marc na si Guillermina Quinones.

“The first thing that came to my mind, because Marc’s mom had just passed away, you know, my kids’ grandma, was ‘Vivir Mi Vida.’ And I thought, ‘I think that’s a good song to sing right now.

“But, in a different way. Not in the kind of up-tempo, rhythmic, salsa way that Marc did it, but in a way where you really hear the words to that song, which is, you know, you have one life and you have to live it.”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with