Vilma Santos

Vilma, pajama ang gustong regalo sa pasko
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 4, 2017 - 4:00pm

Silver wedding anniversary nina Senator Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos-Recto ngayong December 11. Bukod pa ‘yon sa relasyon nila ng seven years kaya bale 32 years na sila.

Ayon kay Cong. Vi nang makausap namin sa bago dumalo sa session sa Congress, walang pasabog na selebrasyon.

“Mas gusto ko na rin ng bakasyon. Break ko ‘yon para pagbalik ko recharged uli ang katawan ko,” rason ni Cong. Vilma.

Bilang regalo naman ng anak na si Luis Manzano, isang Iphone X ang bigay sa kanya.

Wala pa bang kasalan sa anak na si Luis at Jessy Mendiola?

“Naku alam mo naman yang anak ko! Hahaha! Pero nagbigay siya ng birthday surprise kay Jessy nitong bithday niya.

“I can sense naman na papunta na sa paging permanent yung relasyon nila.

“Pero at the end of the day siya pa rin ang magdedesisyon niyan. Alam mo naman buhay nila ‘yon,” pahayag ni Ate Vi.

Kumusta naman ang Christmas nila?

“Family lang kami. Dito lang kami. Sila naman talaga priority ko,” tugon niya.

May gusto pa ba syang matanggap na regalo this Christmas?

“Mga simpleng bagay na lang. Mas gusto ko nga kahit pajamas lang. Hindi na ako nag-aasam ng mga luho pa,” sagot ni Ate Vi.

Basta si Cong. Vilma, heaven ang feelings kapag nakapagbakasyon sa ibang bansa, huh!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with