Luis tamis-tamisan ang pa-birthday ?kay Jessy
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 3, 2017 - 4:00pm

Panalung-panalo na talaga si Jessy Mendiola sa puso ni Luis Manzano. Ipina­ramdam  muli ng host-actor ang pagmamahal sa girlfriend nang magbigay siya ng mensahe sa Instagram para sa kaarawan niya.

“Happy birthday to my howhow @senoritajessy, you are the one that ties everything in my life together. All the good things happening in my life wouldn’t truly be or feel good if i didn’t have you to share them with :) happy birthday my howhow i love you! caption ni Luis sa cheesy photo nila ni Jessy.

Eh boto naman si Congresswoman Vilma Santos-Recto kay Jessy bilang girlfriend ni Luis kaya wala nang problema pa kung magpapakasal na sila, huh!

?Walang ilangan, Heart at Jericho todo tsikahan na

Nagkrus ang landas ng former lovers na sina Heart Evangelista at Jerico Rosales sa isang event na inorganisa ng eventologist na si Tim Yap. Inilabas niya ang face to face encounter ng dalawa sa event.

Wala namang ilangan ang dalawa dahil na rin kapwa na sila kasal sa kanilang mga mahal, si Sen. Chiz Escudero kay Heart at si Kim Jones kay Echo. May picture sila together na nagtsitsikahan sa event. Walang awkward moment dahil halakhakan nga ang ilan din sa guests gaya nina Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Iza Calzado, Nadine Lustre, director Paul Soriano, at iba pa.

Inilabas din ng bida ng My Korean Jagiya ang group picture sa event na kasama si Jericho. Malabo nga lang magsama sa isang TV series sina Heart at Echo dahil magkalaban ang kani-kanilang networks.

At least, wala nang bad blood sa kanilang dalawa matapos ang masali­muot nilang relasyon, huh!

Anak ni Jennylyn nahihilig sa music

Isang keyboard ang regalo ngayong Pasko ni Jennylyn Mercado sa anak niyang si Jazz dahil mahilig ang bata sa musika. May piano naman daw sila sa bahay nila pero laging inuungot ng anak ang keyboard na gusto niyang magkaroon. Tinuturuan si Jazz ng kanyang Papa (hindi si Patrick Garcia).

Ngayong Pasko, magsasama-sama sila ng kanyang pamilya kasama ang ilang kaibigan at pahinga na.

“Busy rin kasi ako sa promotions ng (MMFF) entry namin ni Derek na All of You. Bale ito ang third Christmas  ko na may movie. Nakakapagod pero exciting dahil ngayon lang uli kami nagkasama ni Derek,” say ni Jen sa presscon ng movie.

Siyempre pa, kung may gift na si Jen sa anak, may gift na rin ba siya kay Dennis Trillo?

“Meron ba? Ha! Ha! Ha! Siyempre meron na. Ako kaya may gift sa kanya? Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Ultimate Star.

November pa lang daw ay tapos na ang kanyang Christmas shopping.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with