Pia magiging aligaga sa coronation ng Miss U!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 18, 2017 - 4:00pm

Bukod sa pagiging red carpet host sa 66th Miss Universe in Las Vegas, Nevada, uupo rin bilang isa sa mga hurado si Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach.

Mga bigatin na international celebrities ang makakasama ni Pia bilang judges sa Miss Universe 2017. Makakasama niya ay sina 1998 Miss Universe Wendy Fitzwilliam, America’s Next Top Model creative director Jay Manuel, TV personality Ross Mathews, sports host Megan Olivi, and vlogger Lele Pons.

Nasa kanilang scores nakabase kung sino ang babaeng magsusuot ng korona na ipapasa ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaire of France.

Higit na 93 countries ang magko-compete sa Planet Hollywood in Las Vegas.  Kasama rito ang ating Philippine representative na si Rachel Peters.

Sina Steve Harvey at ang plus-size model Ashley Graham ang magi­ging pageant host and backstage host, respectively.

WInwyn interesado pa ring magka-degree

Postponed daw muna ang anumang plano ni Miss Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa pag-pursue nito ng kanyang masters degree.

Isang kondisyon kasi ng ama ni Wyn na si Joey Marquez na kaya niya pinayagan itong sumali ng beauty pageant ay dahil magtatapos ito ng doctorate degree.

Nakatapos si Wyn ng Marketing Management at meron itong teaching certificate. Next goal niya ay ang ipasa ang licensure exam bilang teacher at makuha na nito ang kanyang doctorate degree.

“I graduated Marketing Management in San Beda, I got my teaching certificate so I’m a teacher already. Next is my licensure exam muna as a teacher.

“Pag-uusapan namin ng dad ko kung paano ko itutuloy, pero he knows very well na I’m interested ituloy ‘yun,” diin ni Wyn.

Sa November 20 ay isang bonggang home­coming parade ang ibibigay kay Wyn sa Parañaque City.

Magkakaroon naman ng replay ang Miss Reina Hispanoamericana pageant sa GMA News TV on November 19 at 9:00pm.

Samantalang nagbigay naman ng words of encouragement si Wyn kay Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na hindi sinuwerte sa pakikipag-compete nito sa katatapos lamang na Miss International Pageant sa Japan.

Bigo nga si Mariel na muling maiuwi ang Miss International crown sa Pilipinas.

Heto ang tweet ni Wyn: “You gave it your best, Mariel! We’re proud of you. I know you enjoyed and learned so much in Japan. Congrats pa rin, my dear.”

Selena Gomez at Justin Bieber mag-dyowa na ulit!

Exclusive na raw ulit sina Selena Gomez at Justin Bieber!

Ayon sa source ng Entertainment Tonight, opisyal na raw na nagkabalikan ang dalawa kaya masayang-masaya ang mga Julena fans.

“They’re really happy and enjoying this time together.

“They’ve both grown a lot over the years and are excited to have reconnected.

“They are together all the time. They’re so happy and having so much fun together,” sey pa ng source.

Noong October unang nakunan na magkasama ulit ang dalawa, ilang araw bago kumalat ang balitang hiwalay na si Selena sa kanyang boyfriend na si The Weeknd.

Kelan lang ay nakunan ang dalawa sa Los Angeles Kings Valley Ice Center in Panorama City, California. Nagtsi-cheer si Selena kay Justin nang maglaro ito ng hockey. At nakunan pa silang nag-kiss sa isa’t isa.

“So far, it’s going really well, Selena and Justin have a lot of admiration and respect for each other and seem to be bringing out the best in one another.

“Justin definitely had to prove himself to her friends to regain their trust and he’s doing a good job. Her friends have come around and can see that this time is different,” sey pa ng source ng ET.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with