Jessy Mendiola at Luis Manzano

Ipinagtanggol si Jessy, Angel nagtaray sa basher!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 13, 2017 - 4:00pm

Jessy dinala ni luis sa langit

Tinalakan ni Angel Locsin ang poser ni Anne Curtis na may gamit na user name na photo nila ni Neil Arce sa Instagram account ng aktres.

Caption ni Angel sa nilalanggam na pose nila ng rumoured boyfriend sa isang lugar sa New Zealand, “Anyday spent with you is my favourite day @neil_arce.”

Mahigit 1,500 ang nagkomento sa post niyang ‘yon. Karamihan ay aprubado ang pagkakaroon nila ng relasyon. Eh apparently, umepal ang poser kaya nagtaray si Angel.

Nauna nang ipinagtanggol ni Angel si Jessy sa mga ­basher.

“Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si Anne para sa agenda mo. Move on na tayo girl!” saad ni Angel.

Sa panig naman ni Jessy Mendiola na bumuwelta rin sa bashers niya, sa isang post sa IG, gusto na lang niyang palaganapin ang kindness at love kesa patulan pa ang nanlalait sa kanya. Habang nasa NZ pa, ibi­naling nila ng boyfriend na si Luis Manzano ang magpakasaya.

Pinatikim siya ni Luis ng skydiving sa taas na 15,000 feet. “It was amaaaaazing! And of course, thank you my love for encouraging me to do it! I had so much fun. Para akong baliw, tumatawa habang umiiyak sa taas!” bahagi ng caption ni Jessy habang kayakap si Luis pagkatapos mag-skydive, huh!

Kapwa na maligaya sina Angel at Jessy sa minamahal kaya tantanan na ninyong mga nega at epal ang dalawa, huh!

Bitbit ang mga anak Sen. Kiko sumugod sa shooting  nina Sharon at Robin

Binisita si Sharon Cuneta kahapon sa set ng movie nila ni Robin Padilla ng kanyang pamilya na pinangunahan ng asawang si Se­na­tor Kiko Pangilinan. Kasama niya ang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Ayon sa tweet ng senador, nagdala sila ng pansit bihon, pansit palabok, pork barbecue, siomai, siopao, dinuguan at buko pandan para sa Megastar at kasama sa set. Kahit sinasabi ni Sharon na love pa rin niya si Robin, walang dahilan para magselos si Sen. Kiko. Kaya tigilan na rin kasi ang intrigang nagkaka­la­buan sina Shawie at Kiko, huh! ‘Wag ding bigyan ng ma­lisya ang posts ni Sharon sa pagkagiliw kay Robin, huh!

Sa panig naman ni Ma­riel Padilla na asawa ni Binoe tumutulong pa siya sa pro­motions ng pelikula ng asawa with Shawie, ang Unexpectedly Yours na showing na sa November 29.

Ubusan ng Jowapao, Lunod sa Promo

Bugbog ang pagpu-promote ng pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies sa Eat Bulaga. Eh sa Sugod Bahay Gang, nakasuot pa ng costume ng mga lola sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros para manariwa sa mga manonood ang pagiging lola nila.

Dehado nga lang si Pao at walang choice kung hindi i-promote ang movie nilang tatlo. Mas mauuna kasi itong ipalabas sa Nov. 22 kesa sa movie niyang Barbi, D’ Wonder Beki.

Mas bongga na ‘yung magkasunod ang playdate ng pelikula niya kesa magsabay, huh!

Pero for sure, mabibigyan naman ng time si Paolo na mabanggit ang pelikula niya lalo na’t kasama rin sa cast si Joey de Leon, huh!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with