Jessy pumutak nang sabihang nakikisawsaw sa Anne at Erwan wedding!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 12, 2017 - 4:00pm

Iniintriga ang pagdalo nina Angel Locsin at Jessy Mendiola sa katatapos na kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis kahapon, Sunday, sa New Zealand. Siyempre, kanya-kanya na sila ng partner, si Neil Arce kay Angel at Luis Manzano kay Jessy.

Sa photos na naglabasan, higit na mas cheesy ang pictures together nina Luis at Jessy habang sina Angel at Neil naman ay chill lang.

Sa isang post ni Luis, face to face sila ng GF with matching caption na, “When you can’t help but smile when she is in front of you.”

Naungkat tuloy ng isang netizen na si @messy_jessy_messy na sinabing, “Didn’t she delete Anne on insta? Kapal naman to attend ng starlet na to?”

Sey naman ng isang @danicacruz25: @senorita_jessy kung di ka naman gf ni luisita di ka naman invited...Feeling mo invited ka...Haha...syempre isasama ka nya kaxe ma out of place siya dun...”

Sumagot si Jessy sa paratang na ‘yon pero walang binanggit ang tinugunang follower.

“And sa lahat ng mga taong makikitid ang utak na namomroblema kung sinong invited o hindi, hindi naman siguro ako pupunta sa kasal na hindi ako invited. I just think that’s crazy. Can we just all be happy for the lovely couple who are about to get married?

“Good vibes lang po sana, doesn’t matter kung sino ang magkikita kita, the important thing is we are ready to put aside our issues for such a wonderful event. Sana lahat din ng tao ganun na lang, let’s celebrate the love of Anne and Erwan for each other nalang ok?

“(sorry @luckymanzano ditto nalang ako sumagot, I turned off my comments section para iwas nega. I love you how!)”

Sinagot din niya ang isang @katbasabe. “bakit naman siya mag-compose? I can defend my self,” diin ni Jessy.

Hashtag member na nalunod, nag-‘sorry’ sa gf bago pumanaw

Sinariwa ni Janica Nam Floresca ang huling video nila ng boyfriend ng Hashtags member na si Franco Hernandez Lumanlan bago siya nalunod sa isang dagat sa Davao ayon sa report. Sabado binawian ng buhay si Franco na naitakbo pa sa ospital pero dead on arrival. Nakaligtas si Janica sa pangyayaring iyon.

Inilabas ni Janica ang video nila bago sila pumunta sa sinakyang bangka at nagbuhos ng damdamin.

“Eto yung last video natin yung araw na papunta tayo sa bangka at nangyari ung accident hindi ko alam parang nagmemessage ka sakin kaya sabi ko, ‘wait lang ivivideo ko’ ang sabi mo dyan ‘sorry’ pero hindi mo tinuloy bakit naman ganoon mahal unfair mo naman maha sabi mo sakin you want t make more memories with me.

“Bakit naman ganoon! Please tuparin mo naman mga pangako sakin. Ang dami dami pa nating pangarap mahal! Balik ka na please miss na miss na kita sobran mahal na mahal kita mahal na mahal mahal ko ikaw ang buhay k mahal @m_lmnin @hashtag_franco.”

Nakiramay rin ang ilang members ng grupong #Hashtags sa biglaang pagkamatay ni Franco pati na ng ilang hosts ng noontime show na kinabibilangan niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with