^

Pang Movies

Jake Zyrus bumuwelta, ipinagmalaki ang pangit na mukha at katawan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinatulan ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus ang mga umalipusta sa kanyang netizens kaugnay ng hilatsa ng mukha niya.

Buwelta ni Jake, “I apologise for those who feel annoyed because of my ugly face. But I love my ugly face and my ugly body. I don’t mean to ruin your mood,” unang tweet ni Jake na sinamahan ng extreme close up ng mukha niya sa mensahe.

Sinundan ito ng singer ng, “Love each other.

“And I am happy. Are you happy? If you aren’t, please love your life and LIVE IT. LIIIIVVEEEE yas. K good night.”

Hindi pala nag-iisa si Xander Ford sa celebrities na nilalait ng social media trolls, huh!

Anne at Erwan handa na sa kasalan?!

Sweet moments muna raw ang ginawa ng couple to be na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Seoul, South Korea. Walang detalye sa Instagram posts ni Anne na apparently ay kuha ng glossy mag na magku-cover ng kasal nila.

Basta sa IG post ng magazine, ginawa ng dalawa ‘yon bago ang kanilang “big day.” Ispekulasyon lang na bahagi ng pre-nup nina Anne at Erwan ang mga kuhang feeling Korean actors ang drama nila.

Sa latest post ni Anne, nag-post siya ng throwback picture noong nasa Washington, Connecticut siya na kitang ipinagmamalaki ang engagement ring na bigay ni Erwan. Love ng aktres ang autumn season base sa post niya kaya malamang na ngayong November (autumn season sa Tate) ang wedding nila ni Erwan, huh!

Huhusgahan kung ekstra nga Hollywood movie ni Kris may playdate na

Nangako si Kris Aquino ng block screening kay Kim Chiu para sa movie niyang palabas na ngayon pagbalik niya galing New York. Inanunsyo ito ni Kris sa kanyang IG na ikinatuwa naman ni Chinita Princess.

“Omg!!! This made my day!!!! Ate!!! Miss you so much!!! Of course anytime...pag nandito kana ate!!! Thank u ate!!! Can’t wait to see you...” tugon ni Kim.

Hindi na raw takot sa horror ang anak na si Bimby kaya after ng trabaho ni Kris mula Nov. 10-13, mamimili sila ng lugar na hindi masasagasaan ng traffic sa ASEAN Summit.

Sa isang lunch naman habang nasa NY, personal na pinasalamatan ni Kris si @het_tolentino na naging instrumental na nakipag-connect sa casters ng movie niyang Crazy Rich Asians. Ayon sa link na pinadala kay Kris ng The Hollywood Reporter, sa August 17, 2018 ang playdate nito na inihayag ng Warner Bros.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with