Ate Vi apo ang gustong birthday gift nina Luis at Jessy?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 27, 2017 - 4:00pm

Maraming revelations, both positive and otherwise, tungkol sa kanyang sarili na ibinunyag si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto, nang mag-guest siya sa programang Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

But one particular aspect na idinetalye niya tungkol sa kanyang sarili na tumatak sa aming isipan ay ang pag-amin niyang there was a time na mayabang siya. Na obviously ay alam niya kung bakit - Star for All Seasons siya. At damang-dama niya ito, nang bago pa lamang silang nagsasama ng kanyang mister of 25 years, si Senator Ralph Recto.

Sa kanilang arguments daw, kahit alam niyang mali siya, ewan kung bakit ayaw niyang magsabi ng sorry. Until daw Senator Ralph asked her kung ano ang mali sa pagsasabing you are sorry, lalo’t kung alam mong mali ka ngang talaga.

Well, aren’t we all guilty, too, in this aspect, kung minsan? By the time this issue comes out, Ate Vi may have left for abroad to mark her birthday, which is on November 3. Kasama niyang umalis ang asawang si Senator Ralph at anak na si Ryan Christian.

Sayang nga raw at ang kanyang panganay na si Luis Manzano cannot be with them, dahil busy nga ito sa kanyang trabaho.

Well, isa sa feeling namin na birthday gift na muling hihilingin ni Ate Vi kay Luis ay ang bigyan na siya nito ng apo.

How about it nga naman, Luis. Dito kay Jessy Mendiola.

Ritz ayaw paniwalaang NBSB

Labis daw na ipinagtataka ni Ritz Azul kung bakit marami ang ayaw maniwalang choice niya na huwag magka-boyfriend since birth. She’s happy raw, as is. So, what’s wrong?

Nag-i-improve na acting-wise si Ritz. Maging sa comedy ay pasado na siya. Well, based sa kanyang performance every Sunday sa gag prog­ram na Banana Sundae.

No need to tell you na agaw pansin din ang kanyang acting sa series na The Promise of Forever. Lalo na sa mga eksena niya with both Paulo Avelino at Ejay Falcon.

Sana, mabigyan na rin ng pagkakataon si Ritz na makagawa ng pelikula.

Ejay nakakaarte na

Speaking of Ejay, he has never been busier. Bukod sa The Promise of Forever, napapanood din siya sa ilang programa ng Kapamilya.

He was a revelation in an episode in Maalaala Mo Kaya (MMK).

May episode din siyang ginawa for Ipaglaban Mo.

Halata ring malaki na ang improvement ni Ejay bilang performer.

Ejay, we all know, is a product of the popular reality program, Pinoy Big Brother (PBB).

Kim kabado na sa Ghost Bride

Of another PBB graduate na si Kim Chiu, medyo kabado raw siya, since malapit na nga namang mag-showing ang The Ghost Bride, na kanyang pinagbibidahan.

Ang The Ghost Bride na idinirek ni Chito Roño, is set to open in theaters nationwide on November 1. It’s her third time to work with direk Chito.

Come to think of it. Horror din ang first movie na pinagsamahan nila ni direk Chito. This was The Healing, which co-starred her with Vilma Santos, her first and, hopefully not the last with the Star for All Seasons.

The Ghost Bride marks her first time to have Matteo Guidicelli for a leading man. Kasama rin sa cast sina Christian Bables, Robert Seña, Ina Raymundo, Beverly Salviejo, Isay Alvarez, Kakai Bautista, Mon Confiado, Victor Silayan, at Jerome Ponce.

Sa special screening ng The Ghost Bride on November 1, which Kim herself organized, imbitado ng aktres ang kanyang dalawang bagong best friends and fellow Kapamilya na sina Bella Padilla at Angelica Panganiban.

Sa Promenade in Greenhills magaganap ang screening.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with