Young actress nabaliw sa ginawang pelikula na walang script, ipinagdarasal na lang ang kapalaran!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 26, 2017 - 4:00pm

Nagtiis ang isang young actress na tapusin ang isang pelikula kahit takang-taka siya sa kawalan ng script mula simula hanggang sa pagtatapos.

Sa rami ng movies na nagawa niya, sa project lang na ‘yon nakatikim ang young actress ng walang binabasa o sinusundang script. Bida naman ang role niya pero hindi raw niya maiwasang magtaka sa estilo ng paggawa ng movie.

Natapos naman ang buong pelikula. Ipinagdasal na lang daw ng young actress ang kahihinatnan sa box-office ng proyekto. Sa susunod daw, magdadalawang-isip siyang tumanggap ng project mula sa mga taong involved sa paggawa ng nasabing movie na hindi uso ang script.

Edu nakapagpatapos na naman ng kolehiyo

Nakapagpa-graduate na naman ng anak si Edu Manzano. Ipinost ng aktor sa Instagram ang graduation ng anak na si Enzo nitong nakaraang mga araw bilang pagmamalaki sa achievement ng anak.

“My latest college grad Zo Manzano w/ the very special Tinel del Rosario. They are on their way to conquer the world! #proudfather #lasalle #collegegradu #hardwork” post ni Edu.

Mahalaga ang edukasyon para kay Doods kaya naman ‘yon ang una niyang mahigpit na bilin sa mga anak gaya ni Luis Manzano na bago pumasok sa showbiz eh nagtapos muna ng kolehiyo.

Degree holder din si Edu na napapanood sa GMA shows na Alyas Robin Hood at Celebrity Bluff.

Apo ni Helen hooked din kay Super Ma’am

Hindi nag-iisa ang celebrity kid na si Zia Dantes sa mahilig na manood ng Super Ma’am ng ina niyang si Marian Rivera. Maging ang apo ni Helen Gamboa kay Ciara Sotto ay nahuhumaling din sa panonood ng Super Ma’am kung saan isa siya sa lead cast.

Ayon kay Helen, nanonood ang apo niya bago ito matulog. Madalas nga rin daw siyang tanungin kung ano ang susunod na mangyayari sa tuwing magkikita sila, huh!

Kaya nang malaman ito ng buong cast, lalo raw silang naengganyo na pagbutihin ang pagtatrabaho sa series dahl tagumpay ang nais nila na magustuhan ito ng mga bata. Ang pagiging mahusay sa paggawa ng telefantasya ang isang malaking factor kaya tinanggap ni Helen ang offer ng Kapuso Network.

Pero sa susunod na episodes, lalabas na ang pagiging petmalu niya sa mga drama scene na isa sa nagustuhan sa kanya ng tao tuwing guma­ gawa siya ng series.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with